Janica's POV
nag unat unat ako saglit dahil sa sobrang lamig. Mahina rin akong humikab at marahang kinuskos ang mata.
Nang ilapat ko ang dalawa kong kamay sa magkabila kong gilid ay may naramdaman akong kakaiba kaya dahan dahan ko iyong nilingon.
"Wahhh! Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito? Anong ginawa mo?" Tumayo ako saka siya hinampas ng unan.
Sinangga niya ang mga palo ko kaya hindi siya tinamaan.
"Aw! Masakit ha"
"Ano ba kasing ginagawa mo dito sa kwarto ko? Bakit dito ka natutulog?"
Nasilayan ko pa ang nakakaasar na ngisi niya kaya lalong nag init ang ulo ko.
Nakuha niya pa talagang ngumisi?
"Kwarto KO" pag tatama niya.
"Kwarto KO" pag lilinaw ko naman saka siya inirapan.
Anong akala niya ako tong matutulog sa kwarto ng iba? Really? Hilo ba siya?
Tumayo siya saka naglakad papalapit sa akin kaya dahan dahan akong napaatras hanggang sa tumama na ang likod ko pader.
"May ganito ka ba sa kwarto mo?" tanong niya saka ig
tinaas ang action figure na kinuha niya. Napahiya akong lumunok pagkatapos umiling."Kwarto mo parin ba to?"
"Ah ano... Bakit ako nandito? Ahm dinukot mo ko no!"
Aish Janica pano ka dudukitin kung mag kaharap lang naman ang unit niyong dalawa?
"Lasing na lasing ka kagabi, ibinigay ka lang ni Karl sa akin saka siya umalis." kalmadong paliwanag niya habang naka sandal sa pintuan.
"Oh eh bakit hindi mo ako dinala sa unit ko? Mag katapat lang naman..."
"Wala saakin ang keycard mo... Imposible namang mag bukas iyon gamit ang saakin... Buti nga at dito kita dinala imbis na hayaan na lang kita doon sa tapat ng unit mo na matulog."
Dapat ba akong nag thank you? Aish wag na baka lumaki pa ang ulo nito.
"Akina ang phone mo" Yeah alam kong medyo masungit ang pag kakasabi ko pero bahala na.
Walang mag aalinlangan rin naman niya iyong ibinigay sa akin.
Walang password ang phone niya kaya mabilis ko iyong binuksan.
"Wala akong ibang ka chat dyan"
"What?"
"Inunahan na kita, baka kasi icheck mo ang messenger ko..." Halos tangayin na ako ng malakas na hangin dahil sa sinabi niya.
Pinaningkitan ko siya ng mata saka itinabingi ang ulo.
"At bakit ko naman gagawin yun?"
"Malay ko kung inlove ka pa sa akin"
"Asa!"
Hindi ko na siya pinansin at idinial na lang ang number ko dahil naiwan ko din yun sa bag na dala ko kahapon.
Sigurado naman akong nakay Karl yun.
Akala ko ay hindi na niya sasagutin dahil hindi naman siya nangingialam ng phone ng may phone.
BINABASA MO ANG
Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)
Ficção AdolescentePaano kung tuluyan tayong umibig sa taong hindi dapat? Kaya ba nating pigilan ang sarili nating mag mahal? Kaya ba nating ipaglaban ang pag-ibig natin kahit alam nating mali na sa umpisa palang o mas pipiliin nating itigil ito para ituwid ang pag ka...
![Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)](https://img.wattpad.com/cover/237552162-64-k740074.jpg)