Habang nag aalmusal ay narinig kong mag beep ang phone ko kaya agad ko iyong kinuha at tinignan. Text mula kay Nathan.
From: Nathan
Hi Love, Goodmorning :)
Itinaaob ko ang phone ko saka ipinag patuloy ang pagkain. Hindi mo siya pwedeng replyan Janica, hindi.
Muling nag beep ang phone ko. Pinigilan ko ang sarili kong tignan iyon pero hindi ko na pigilan. Nacurious ako.
From: Nathan
I missed you Love... I'm so sorry...
Ganun din ako... Sobra... No Janica hindi mo siya rereplyan. Mas mahihirapan lang kayong pareho. Hindi pwede.
Mahirap man para sa akin na hindi pansinin ang mga yun ay ginawa ko parin. Muli kong ipinag patuloy ang ginagawa at kinalimutan ang sinabi niya.
Muling nag beep ang phone ko. Akala ko ay si Nathan parin ang nag text pero hindi.
From: Unknown Number
Hey Jani!
Aish! Heto na naman siya!
To: Unknown Number
Mr. Annoying
Pag kasend ko nun ay nag ring ang phone ko kaya iritable ko iyong sinagot. Mangungulit na naman to.
"Ano?"
[Pano mo nalamang ako to?] Duh ang obvious naman kaya.
"Baka dahil sa cheesy mong nickname na binigay sa akin"
[Nice Jani!] Napairap na lang ako saka tumayo at nag ayos ulit. [Ipapaalala ko lang ang usapan natin kahapon]
"Oo nga ang kulit"
[Galit ka na nyan?]
"Hindi, Natutuwa pa nga ako eh" Nagpeke pa akong tumatawa para lang asarin siya. "San mo naman nakuha tong number ko?"
[Kay Elle]
"Huh? Bakit niya binigay?"
[Bakit hindi?]
"Alam mo wala ka ng sense na kausap... Aalis na ako"Sabi ko saka kinuha ang mga gamit at sumakay sa kotse para umalis.
[Bye Jani]
Ibinaba ko na ang tawag saka ipinasok sa bag ang phone ko.
Kailangan ko pa tuloy manood sa laro ni Karl... Hay bayan.
Nang makapasok na si Nathan ay agad akong nag iwas ng tingin sa kaniya saka ibinaling ang atensyon sa notebook ko.
Kahit wala akong maisip na isulat roon ay nag sulat pa rin ako para lang maibaling sa iba ang atensyon ko.
Kapag kailangan kong humarap sa unahan ay duon lang ako haharap. Kapag kailangan ko siyang kausapin ay dun ko lang ginagawa.
Ibinalik ko ang PO, OPO, at SIR ko. Madalas ko na iyong binabanggit hindi gaya dati.
Natapos ang klase namin kaya nag kita kita kaming apat nina Elle sa may bandang dulo.
"Meryenda?" Tanong ni Jat. Lagi talagang gutom tong baklang to di naman tumataba.
BINABASA MO ANG
Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)
Novela JuvenilPaano kung tuluyan tayong umibig sa taong hindi dapat? Kaya ba nating pigilan ang sarili nating mag mahal? Kaya ba nating ipaglaban ang pag-ibig natin kahit alam nating mali na sa umpisa palang o mas pipiliin nating itigil ito para ituwid ang pag ka...
![Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)](https://img.wattpad.com/cover/237552162-64-k740074.jpg)