Inayos ko na ang mga damit na dadalhin ko para sa last na practice namin ngayon sa Milestone High. Bukas na kasi kami pupunta sa Miracle High at dun mananatili ng Isang lingo...
Habang nasa byahe ay naisipan kong itext si Sir Jonathan... Wala lang ang tagal ko na siyang di nakakausap kaya balak kong mangulit.
To: Sir
Goodmorning Sir!
Naghintay ako ng reply niya pero wala akong natanggap. Napasimagot na lang ako dahil dun. Hindi ko alam kung dapat kong maramdaman yun eh studyante lang naman niya ako.
Nakarating na kami sa Milestone at iniwan na ako ni Kuya driver... Pumasok ako sa elevator dahil ipinasok ni kuya driver ang sasakyan sa parking lot.
Naka simangot akong nag lakad papunta sa Circle para puntahan sina Elle. Nandun na siguro sila...
Agad akong sinalubong ni Elle ng ngiti.
"Goodmorning,bakit nakasimangot ka?" tanong niya.
"Wala, saglit lang kasi ang tulog ko kaya ganun"
"Kumain ka na ng breakfast?"
"Oo" Hindi niya na ako sinagot sa halip ay nag tungo na kami sa mga kasama namin at nag simula na sa pag eensayo.
Sabay sabay na kami at nahing madali na lang sa akin ang mga steps dahil gaya ng sinabi ni TJ ay hindi naman ako mahirap turuan...
Halatang halata ang lakas ng loob sa mga kasama ko at alam kong hindi sila masyadong kinakabahan sa magiging pag tatanghal dahil alam nila sa sarili nilang sapat ang naging ensayo at kayang kaya naming maipanalo ito.
Sunod sunod rin ang naging pagkapanalo ng fushion sa Interhigh kaya alam naming sobrang mag hahanda ang mga makakalaban namin.
Natapos ang pag eensayo namin saglit dahil pinag pahinga muna kami ni Elle.
"Bukas ang cafeteria, sasama ka?" tanong niya sa akin. Alam kong kasama rin niya sina Kart at Jat na ngayon ay nag eensayo sa volleyball...
Naalala kong may naiwan pala akong libro sa IT building kaya kailangan kong balikan iyon...
"Hindi muna Elle may kukunin ako sa IT building eh"
"Ah osige... Next time na lang" Tinanguan ko siya bago kami tuluyang mag hiwalay.
Dumaan ako sa may SH building dahil dun ang daan papunta sa IT building.
Biglang sumama ang pakiramdaman ko ng makita ko si Sir Jonathan kasama ang isang estudyante. Mas mababa ang grade level nito sa akin napansin ko iyon dahil sa kulay ng ID niya.
Kahit malayo ako ay rinig na rinig ko ang pinag uusapan nila.
"Grabe Sir ah ang pogi mo talaga" sabi ng babae tumawa pa si Sir kaya lalo akong napikon.
"Thank you" -_-
"Sir may girlfr----" Hindi niya natapos ang sasabihin ng dumaan ako sa gitna nilang dalawa.
"Excuse me ha" Kitang kita ko kung paano ako irapan ng babae. Agang aga nag haharutan... Ang pogi mo talaga! Tse!
Nasa daan tas ganun? Hmp!
Nag dirediretso na lang ako papunta sa building at ng makaakyat na doon ay agad akong pumasok sa loob para hanapin ang libro ko.
"Mag pakita ka na sakin! Badtrip ako ngayon ah!" sabi ko na para bang mag papakita nga sa akin ang libro at maawa ito dahil badtrip nga ako.
BINABASA MO ANG
Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)
Teen FictionPaano kung tuluyan tayong umibig sa taong hindi dapat? Kaya ba nating pigilan ang sarili nating mag mahal? Kaya ba nating ipaglaban ang pag-ibig natin kahit alam nating mali na sa umpisa palang o mas pipiliin nating itigil ito para ituwid ang pag ka...