Chapter 29

65 6 2
                                        

Inihinto ko ang sasakyan sa gilid saka tinanggal ang seatbelt.

Papalabas na sana ako ng marinig kong mag ring ang phone ko na nakalagay sa bag ko kaya agad ko iyong kinuha at sinagot.

"Hello Faye?"

[I'm sorry Ms. Yap, I forgot to tell you that you have a meeting today with Ms. Lim]

"Oh shocks... I can't go... Just reschedule the meeting... I'll be back on Monday"

Shocks meron pala akong meeting ngayon para sa collaboration namin ni Ms. Lim.

Hindi naman ako makakapunta dahil bukas na ang Kasal nina Elle... Hindi ako pwedeng hindi pumunta.

[Okay Ms.]

"Thank you Faye"

Pinatay ko na ang tawag saka huminga ng malalim. Buti na lang at nandyan si Faye para asikasuhin ang lahat kaya nababawasan ang mga kailangan kong gawin kahit papaano.

Ipapasok ko na sana ulit ang Phone ko sa bag ng makita kong tumatawag naman si Elle.

[Makakapunta ka pa ba? Bukas na yun]

"Ofcourse Elle... Gusto ko kayang makita ang dinisenyo kong gown para sayo no"

[Aabot ka pa ba?]

Hindi ko alam kung maaawa ba ako dahil sa tono ng pananalita niya o matatawa na lang ako sa kaniya dahil nandito lang naman ako sa tapat ng bahay ng pamilya niya.

"Mag bilang ka ng tatlo"

[Anong tatlo? Bakit? Lilipad ka mula Pransya hanggang Pilipinas?]

"Basta magbilang ka"

Narinig ko pa ang pag singhal niya mula sa kabilang linya kaya kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pagtawa.

[Okay fine! 1]

Nang magsimula na siyang magbilang ay agad akong bumaba sa sasakyan ko saka matahimik na tumakbo papunta sa gate nila.

[2]

Agad akong pinagbuksan ng gate ng maid nila kaya mabilis akong pumasok roon at huminto sa may pinto nila.

May nag hihintay pang isang maid roon sa pinto para pag buksan ako.

[3]

Sa huling pag bibilang niya ay masaya kong binuksan ang pinto saka ngumiti aa kaniya.

"Hi!" naka ngiti kong bati sa kaniya saka nag lakad papalapit sa kaniya.

Nanatili siyang tulala habang naka titig sa akin. Para bang hindi makapaniwala sa nakikita niya.

Nang mahimasmasan ay patakbo niya akong sinalubong ng yakap.

"Akala ko nasa France ka pa"

"Tatlong araw na ako rito sa pilipinas... Binisita ko muna si Mommy, gusto nya sanang pumunta sa kasal mo pero busy raw sya sa resto" paliwang ko saka kumalas sa pag kakayakap.

"Sayang naman... Ang tagal ko na ring hindi nakikita si Tita."

"Ang sabi ko nga sa kanya magpahinga na lang siya besides may mga nag aasikaso naman sa resto"

"Hayaan mo na baka nabobored rin si Tita" aniya saka tinapik ang balikat ko. "Ano ipapa handa ko na ba ang kwarto mo?"

"Ah hindi na... May condo naman akong matutuluyan, medyo malapit lang rin rito." Pag tanggi ko.

Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon