Last day na namin ngayon at bukas ay sembreak na... Halos dumugo na ang utak ko sa mga tanong. Nag review naman ako kaso lang yung ibang tanong wala sa nireview ko tsk.
Habang naghihintay ng sunod na Prof. ay mabilis kong binasa ulit ang notes ko para maalala ko ang lahat ng pinag aralan ko.
Pumasok na si Nathan na may dala dalang mga papel...
"Get one and pass" anito kaya pinag pasa pasahan namin ang mga papel.
Nakayuko kong sinagutan ang mga tanong... Napapapikit pa ako sa tuwing nakakalimutan ko ang sagot.
Tapos na!
Nakahinga agad ako ng maluwag ng matapos ko ang Test. Marami na ring naka tapos kaya medyo maingay na rito sa loob.
Wala sina Elle dito dahil iba ang tinitake nilang exam.
"Ang lamig" sabi ng isa kong ka block sabay yakap sa sarili niya.
Nakatodo kasi ang AC ngayon at medyo umuulan ulan pa. Miski ako ay nilalamig at sumasakit na rin ang balingusan ng ilong ko.
"Ikaw Sir di ka nilalamig?"
Napansin kong wala nga siyang Jacket.
"Medyo" sagot niya.
"Bat hindi po kayo nag Jacket?"
"Naiwan ko" anito saka tumingin sa akin kaya awtomatiko akong napaiwas ng tingin.
Nasa akin pala ang Jacket niya... Tinignan ko iyon sa bag ko kung nadala ko nga. Oo nadala ko.
Yumuko ako at tinakpan ng buhok ang kamay ko saka ko binuksan ang phone ko.
To: Nathan
Dala ko ang Jacket mo
Hindi ko na hinintay ang Reply niya. Napatingin siya sa phone niya ng mag beep iyon.
Nag taas ako ng kanang kamay para nag paalam na lalabas.
"Yes?"
"Sir Excuse me po" paalam ko. Tinanguan niya ako kaya agad kong dinala ang bag ko saka ako lumabas.
Naglakad ako papunta sa may hagdan kung saan walang makakakita sa akin. Binuksan ko ang bag ko at kinuha roon ang Jacket ni Nathan.
"A-ahm e-eto..." nauutal kong sabi saka ko binigay sa kaniya ang Jacket niya. "Na-nalabhan ko na y-yan"
"Thank you" akmang aalis na sana ako ng hinalahin niya ang kanang kamay ko dahilan para mapabalik ako. "I'm sorry"
"I'm sorry din... Masyado lang siguro akong nag selos"
"Nagkamali rin ako... Dapat ay lumayo na lang ako sakaniya" pag papaaliwanag niya saka ako diretsong tinignan sa mata. "Trust me, pinipilit kong dumistansya sa kanya"
"Hindi mo kailangang gawin yun... Co-teacher mo sya at pareho kayo ng eskwelahang pinapasukan kaya naiintindihan ko... Mas lalawakan ko na lang ang pang-intindi ko"
"Thank you... I love you"
"I love you too" pareho kaming napangiti dahil dun.
Kailangan ko talagang lawakan ang pang-unawa ko lalo't mahirap ang relasyong pinasok naming dalawa.
"Let's go?"
BINABASA MO ANG
Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)
Novela JuvenilPaano kung tuluyan tayong umibig sa taong hindi dapat? Kaya ba nating pigilan ang sarili nating mag mahal? Kaya ba nating ipaglaban ang pag-ibig natin kahit alam nating mali na sa umpisa palang o mas pipiliin nating itigil ito para ituwid ang pag ka...
![Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)](https://img.wattpad.com/cover/237552162-64-k740074.jpg)