Hindi ko maramdaman ang pagod pagkatapos naming magtanghal dahil puro kaba lang ang nararamdaman ko ngayon.
Napapikit ako saka nagdasal habang hinihintay ang anunsyo.
"Champion" sana kami... "Milestone"
Halos hindi ako makagalaw dahil sa narinig. Pinuno ng ingay ang loob ng Gymnasium. Para bang kapag nagsalita ako ay hindi ko na maririnig ang sarili kong boses dahil sa ingay at sigawan.
Kinuha ni Elle ang trophy saka iyon ibinigay sa amin kaya sabay sabay namin iyong itinaas.
Tumawa kami ng buhatin ng mga lalaki si Elle at saka sumigaw sigaw pa ang mga ito kaya nakisabay na lang ako.
Matapos niyon ay nagsi-alisan na ang mga tao rito. Natira kami ni Elle at ang iba naming kasamahan ay umalis na rin. Nakita ko si Elle na nakatingin kay Xavier at ganun din si Xavier sakaniya. Para silang nasa isang music video.
"Puntahan mo na Elle ako na ang kukuha ng mga gamit natin" pag piprisinta ko. Tinanguan niya ako saka ako pumunta sa Backstage.
Agad kong hinanap ang pinaglalagyan ng mga gamit namin ni Elle ng makarating na ako sa Backstage.
"Congrats" Napalingon ako ng marinig ang boses ni Nathan mula sa likuran ko.
"Don't talk to me... May kasalanan ka pa sakin" maarteng utos ko sa kaniya.
Simula kasi ng marinig ko ang usap usapan nila sa office ay hindi na kami nag kita kaya hindi pa niya nalilinaw sa akin ang lahat.
"Tungkol sa nangyari sa Office?" Tanong pa niya na akala mo naman talaga ay hindi niya alam ang nangyari. "Wala lang yun. Magkaibigan lang kami ni Ms. Jimenez."
"Okay" Hindi to karupukan ha! Kasi naman alam kong wala siyang kasalanan dun talaga lang trip silang iship ng mga co-teachers niya.
"Ang galing mo kanina" Agad ko siyang hinarap at tinaasan ng kilay saka sinalubong ang mga mata niya.
"Inlove ka na naman?" Panunukso ko sa kaniya. Agad pa siyang ngumisi dahil dun. Napahawak ako sa noo ko ng maramdaman ang pitik niya. "Aray ha!" agal ko saka tumingkayad at pinitik rin siya sa noo.
Babawi pa sana ako ng hawakan niya ang ulo ko gamit ang isa niyang kamay saka ito iniunat kaya hindi ko siya malapitan. Mas matangkad siya sa akin kaya nagawa niya iyon.
Sabay pa maming nagtawanan sa kalokohan namin. Agad kaming umayos ng tayo ng makita si Ms. Inah Jimenez sa harapan namin. Badtrip andito na naman siya.
"Mr. Jonathan hinahanap tayo ni Ms. Faith iiikot pa raw niya tayo sa Miracle" aniya.
Iiikot eh naikot na nga namin to! Badtrip ka! Tse.
"Sige Ms. Jimenez susunod ako" ani Nathan saka lumingon sa akin. Dismayado naman siyang tinanguan ni Ms. Inah.
Ibinaling pa niya sa akin ang tingin saka ako pinagmasdan mula ulo hanggang paa.
"By the way, congrats Ms. Yap" bati niya sa akin... Bakas pa ang pag tataray niya.
Ginantihan ko siya... Tinignan ko din siya mula ulo hanggang paa saka muling ibinaling ang tingin sa muka niya at binigyan siya ng mapang-asar na ngiti.
"Thank you po Ms. Jimenez"
Wala siyang nagawa kundi iiwas ang tingin sa akin at ituon ang atensyon kay Nathan.
BINABASA MO ANG
Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)
Novela JuvenilPaano kung tuluyan tayong umibig sa taong hindi dapat? Kaya ba nating pigilan ang sarili nating mag mahal? Kaya ba nating ipaglaban ang pag-ibig natin kahit alam nating mali na sa umpisa palang o mas pipiliin nating itigil ito para ituwid ang pag ka...
![Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)](https://img.wattpad.com/cover/237552162-64-k740074.jpg)