"Hala Love may cotton candy dun oh!" Parang bata kong sabi kay Nathan saka itinuro ang tindahan ng cotton candy.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin dahil para akong batang sayang saya sa nakikita.
"Tara" anito saka hinawakan ang kamay ko.
Ang sweet naman ni Sir... Di ko tuloy maiwasang isipin kung ganito rin ba siya sa naging ex niya.
Naiinis kasi talaga ako sa tuwing naaalala ko na hindi ako yung nauna eh.
Bakit ba kasi hindi niya ako nakilala ng mas maaga?
Pero kung nakilala nga niya ako ng maaga magiging ganito kaya kami?
Naramdaman kong nakatitig siya sa akin kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Oo matagal na nga kaming mag kakilala at matagal niya na ring ginagawa ang bagay na iyon pero iba parin ang lagi kong nararamdaman...
Pakiramdam ko palagi ay first time.
"Balik na tayo"
Walang masyadong tao ngayon sa park... Alas tres palang kasi ng hapon pero maya maya lang ay sigurado akong maglalabasan na ang mga estudyante.
Namiss ko tuloy gumala kasama sina Elle... Yung may dala dala pa kaming bag, yung excited kaming matapos ang klase para makapag gala.
Iba na kasi ang oras ko ngayong hindi na ako estudyante... Mas kokonti ang oras sa sarili.
Halos walang oras sa pag lilibang ... Hindi naman sobrang nakaka-pressure ang trabaho ko pero minsan nakakapagod talaga.
I wish mas na-enjoy ko ang buhay ko ng mas maaga.
Nagkaroon ng totoong kaibigan ng mas maaga... Naging masaya ng mas maaga.
"Naikwento ko na kay Mommy yung tungkol sa atin" panimula niya.
"T-talaga?"
Hindi ko maiwasang kabahan... Naalala ko kasi nung kinausap ako ng mommy niya...
Nakakahiya.
"Oo, she was so happy... Isa kasi siya pinaka naapektuhan nung maghiwalay tayo... Hindi naman talaga niya nasubaysabayan ang istorya natin pero apektado siya... sobra"
Dahil ina siya... At sa tingin ko ay ganoon siya mag alala.
"Kinausap ako ng Mommy mo" mabilis niyang ibinaling sa akin ang tingin. Hindi ko kasi nasabi sa kaniya. "Hindi ko rin inexpect na kakausapin niya ako tungkol dun... Ang sabi niya sobra ka nga raw nasaktan, Sobra ka daw naapektuhan"
Oo ayos na kami pero hindi maalis sa isip ko ang posibilidad na darating ang araw naiiwanan ko na naman siya.
Na aalis na naman ako... Na maiiwan ko na naman siya.
"Ayokong makita ka ulit na masaktan ng dahil sa akin... Ayokong masayang na naman ang oras mo ng dahil sa kagagawan ko-"
"Hindi... hindi mo na naman ako iiwan, hindi ba?" Bigla kong nasilayan ang mata niyang pinipilit pigilan ang mga luha.
Paano ko masasabi sayong hindi ako sigurado?
BINABASA MO ANG
Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)
Novela JuvenilPaano kung tuluyan tayong umibig sa taong hindi dapat? Kaya ba nating pigilan ang sarili nating mag mahal? Kaya ba nating ipaglaban ang pag-ibig natin kahit alam nating mali na sa umpisa palang o mas pipiliin nating itigil ito para ituwid ang pag ka...
![Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)](https://img.wattpad.com/cover/237552162-64-k740074.jpg)