Nag ayos na ako ng mga gamit at iba kong mga damit. Medyo madami ang dala ko pero ayos na to kesa kulang...
Balak ko pa sanang magdagdag ng pangatlong maleta pero pumasok si Mommy sa kwarto ko at tinanong niya kung mag lalayas na raw ba ako dahil sa dami ng dala ko...
Bumaba ako para mag almusal ng kaunti... Medyo malapit ng umalis ang mga sasakyan namin papunta sa Miracle High kaya nag madali na ako...
"Mag iingat ka ha! Kumain ka sa tamang oras! Matulog ka ng maaga ha!" bilin pa ni Mommy habang nakahawak sa pisngi na para bang isa akong paslit...
"Mommy isang linggo lang naman"
"Kahit na! Mamimiss kaya kita... Matagal tagal na rin nung una kang humiwalay sa akin ng ganun katagal!" paliwanag pa niya saka ako niyakap... Agad rin siyang kumalas sa pag kakayakap saka ako hinarap.
"Sige na Mommy maiiwan ako"
"Sige sige... Mag iingat ka"
Tinanguan ko na lang siya saka ako lumabas ng bahay at mabilis na pumasok sa kotse.
Tinulungan ako ni Kuya Driver na ipasok ang mga maleta ko sa kotse... Medyo mabigat kasi iyon... Ewan ko pero daig ko pa ang mag babakasyon sa lagay na ito...
Tahimik kaming bumyahe... Medyo inaantok pa ako dahil hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa sobrang pagka excite ko...
Ngayon ko na lang ulit makikita ang Miracle High...
Ipapasok pa sana ni Kuya Driver ang sasakyan sa Parking lot pero pinigilan ko siya dahil alam ko namang puno ito ngayon ng mga sasakyan ng Milestone...
Agad kong ibinaba ang mga maleta at sabay na itinulak iyon... Binilisan ko ang takbo para mabilis akong makarating roon ng makasalubong ko si Dave...
"Janica!" masiglang bati niya sa akin...
"Oh hi?"
Si Dave ay isa rin sa mga myembro ng Fushion... Sa pag kakatanda ko ay hindi kami close nung unang beses na pumasok ako sa fushion dahil naiintimidate raw sila saakin at si Elle lang ang kaibigan ko nun.
Isa rin siya sa magagaling na myembro namin. Matangkad pero hindi naman yung tipong tinitingala ko na...
"Tulungan na kita diyan" alok niya saka tinignan ang maletang hatak hatak ko.
"Sige... Kailangan ko nga"
Kinuha niya ang dalawang maleta at binuhat na lang ito para mas mabilis kaming makarating...
Natatawa pa ako sa takbo niya dahil para siyang susubsob sa ganoong takbo... Para siyang cartoon character na susugod sa kalaban...
Tumigil kami sa pagtakbo ng maaninag namin ang bus ng fushion. Maglalakad na sana kami papasok roon ng humarang samin si Nathan... Naka pasok ang dalawa niyang kamay sa bulsa niya...
"Sa akin siya sasabay" matigas na utos nito... Tinignan ako ni Dave dahil roon.
"Pero Sir sa bus ng fushion dapat sumakay si Janica" Pag papaliwanag ni Dave pero imbis na makakuha siya ng sagot kay Nathan ay itinagilid lang ni Nathan ang ulo atsaka muling tumingin sa akin.
"Sa akin ka sasabay" utos nito saka hinawakan ang kamay ko...
Hala! Baka may makakita! Aish!Ano ba naman to???
Mas lalo akong nagulat ng hawakan ni Dave ang isa ko pang kamay...
"Baka hinihintay na tayo" anito saka ako hinatak papalapit sa kaniya...
BINABASA MO ANG
Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)
Dla nastolatkówPaano kung tuluyan tayong umibig sa taong hindi dapat? Kaya ba nating pigilan ang sarili nating mag mahal? Kaya ba nating ipaglaban ang pag-ibig natin kahit alam nating mali na sa umpisa palang o mas pipiliin nating itigil ito para ituwid ang pag ka...
![Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)](https://img.wattpad.com/cover/237552162-64-k740074.jpg)