Chapter 21

98 9 2
                                    

Maaga akong nagising dahil hindi rin naman ako makatulog ng maayos kagabi... Hindi ko alam kung bakit.

Bumaba ako para magpaalam na kay Mommy ng magulat ako dahil sa nakita ko.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kaniya.

"Sinusundo ka bal" Nakangiting sagot nito. Kaya wala akong nagawa kundi umirap na lang sa kaniya.  "Tara?"

"Sige na Janica sumabay ka na." utos ni Mommy.

"Sige na nga." Sabi ko saka kinuha ang bag ko  sa taas.

Kinuha saakin ni Karl ang dalawa kong libro at siya na ang nagdala niyon sa kotse niya.

Pinagbuksan niya pa ako ng pintuan sa shotgun seat. Naalala ko tuloy si Nathan dahil ganin rin ang ginagawa niya sa tuwing sinusundo ako.

Matahimik at walang tuksuhan kaming nag usap ni Bal... Wala ako sa kundisyon na asarin siya ganun rin siguro sya sa akin.

"Gentleman huh?" Sabi ko saka tinanggap ang kamay nya na umalalay sa akin para makababa.

"Gentleman naman talaga ako di mo lang talaga nakikita"

"Hugot yan?"

"Hindi, parinig talaga yan" anito kaya natatawa ko siyang hinampas sa braso niya. "Aray! Mapanakit ka!"

"Puro ka kasi kalokohan"

"Seryoso ako" Sabi niya saka muling kinuha ang mga gamit ko.

Hindi na ako umapila sa kaniya at mabilis ko iyong iniabot sa kaniya.

Papasok na sana ako ng  lumapit siya sa akin at sikuhin ako.

"Hatid na kita"  sabi niya. Mabilis ko rin naman siyang tinanguan. "Hindi umaangal? Payapa yata tayo ngayon"

"Sira... Rest day ko ngayon nakakapagod rin kayang asarin ka"

"Araw arawin mo na para masaya."

"Baliw ayoko nga" Sabi ko saka umirap sa kaniya.

Nang makita kami nina Jat at Kart ay agad silang ngumisi sa akin. Mang aasar na naman ang mga ito.

"Salamat Bal" Sabi ko

"Wow, ngayon lang kita na rinig na tawagin ako ng ganyan" Nakangiting sabi niya. Ang liit ng kasiyahan niya.

"Syempre gumaganti lang ako... Alangan namang ako lang ang tawagin mong baliw" Sabi ko saka umirap sa kaniya. "Sige na baka malate ka pa"

"Sige... Pupuntahan ulit kita" Anito kaya tumango lang ako saka siya umalis.

Bago ako makapasok ay hinarangan ako nina Jat at Kart.

"Ano?"

"Boyfriend mo?" Deretsyong tanong sa akin ni Kart.

"Huh? H-hindi ah!"

"Tanggi pa... Agawin ko yun pogi pa naman" Pang aasar pa ni Jat.

"Bahala nga kayo dyan" sabi ko saka sila tinalikuran.

Kung nandito si Elle ay sigurado akong gagatungan niya pa ang dalawa.

Nang makaupo na ako ay agad na pumasok si Nathan. Nagulat ako ng hindi niya alisin sa akin ang tingin habang nag tuturo.

Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon