Play: "Broken parts by clide" while reading.
Sinundo ako ni Kart sa bahay saka kami pumunta sa bahay nila dahil dun gaganapin ang birthday party niya.
"Happy birthday Kart" sabi ko saka ibinigay sa kaniya ang maliit na kahon.
"What's this?" aniya saka nakangiting binuksan iyon. "Awww...Thank you I appreciate it"
"Pinag-isipan ko yan ah!"
"You're ao sweet... Thank you Janica" pag papasalamat niya ulit saka ako niyakap.
Pumasok na kami sa bahay nila. Inilibot ko ang paningin para makita kung sino sino ang mga nandito.
Medyo marami na ang nandito pero wala parin sina Elle at Jat. Lagi talagang late si Elle... At ang alam ko ay kapitbahay lang ni Kart si Jat pero bakit wala pa?
"I'll get you some food... Baka matagalan pa sina Elle eh" Ani Kart saka umalis at ikinuha ako ng pagkain.
Kumuha ako ng wine saka iyon ipinatong sa lamesa. Habang hinihintay na makabalik si Kart ay ininom ko na agad yun.
"Thank you" sabi ko ng makabalik na siya.
"Excuse me lang ha. Aasikasuhin ko lang yung iba"
"Yeah sure" sagot ko saka siya umalis.
Naiwan ako sa couch... Nang matapos na akong kumain ay humingi ulit ako ng ilang baso ng wine.
Binuksan ko ang phone ko saka nag punta sa gallery. Nakita ko roon ang mga pictures namin ni Nathan...
"Nakakamiss ka" bulong ko sa sarili habang pinag mamasdan ang litrato.
"If only I could turn back time." dagdag ko pa saka muling tinungga ang nasa baso.
Medyo marami na rin ang naiinom ko kaya ramdam ko na ang epekto niyon sa akin.
Pumipikit na rin ang mga mata ko dahil sa antok...
Agad kong binitawan ang hawak hawak ko ng makitang papalapit si Elle sa akin saka ako bumeso sa kaniya.
"Hey Elle! Kanina pa kita hinihintay" Bati ko sa kaniya. Itinagilid niya ang ulo saka ako tinignan.
Inalis niya ang tingin sa akin at ibinaling iyon sa katabi na si Kart. May pinag usapan sila pero hindi ko na narinig dahil pagod na pagod na ang katawan ko at anumang oras ay makakatulog na ako.
Habang kumakain si Elle ay kung ano anong ikinukwento ko sa kaniya. Dumating pa sa puntong pinapangaralan ko siya sa buhay pag ibig.
Gusto kong kontrolin ang mga sinasabi ko pero kusa iyong lumalabas sa bibig ko.
Dumating na si Jat pero hindi na ako tumayo para batiin siya. Nag kwentuhan at lokohan pa sila pero hindi na ako nakisali.
Muli kong binuksan ang phone ko saka inopen ang convo namin ni Nathan.
Habang binabasa ko iyon ay kusang tumutulo ang luha ko.
Ang sweet pa natin rito. Anong nangyari? Bakit ito nangyari?
Palihim akong umiiyak dahil ayokong abalahin o mapansin pa ako ng tatlo pero anong magagawa ko? Hindi ko kayang kontrolin ang nararamdaman ko.
"Oh my anong nangyari sayo?" tanong ni Jat sa akin.
"What happened to you? Why are you crying?" Tanong naman ni Elle pero hindi ko sila pinansin. Ibinaba kl ang phone saka ko kinuha ang wine glass ay uminom ulit.
BINABASA MO ANG
Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)
Teen FictionPaano kung tuluyan tayong umibig sa taong hindi dapat? Kaya ba nating pigilan ang sarili nating mag mahal? Kaya ba nating ipaglaban ang pag-ibig natin kahit alam nating mali na sa umpisa palang o mas pipiliin nating itigil ito para ituwid ang pag ka...
![Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)](https://img.wattpad.com/cover/237552162-64-k740074.jpg)