Tahimik akong naupo sa shutgun seat saka ko binuksan ang bintana para makalanghap ng sariwang hangin.
Kung ano anong naisip kong gawin habang nag mamaneho si Kuya Driver papunta sa Milestone...
Mag bilang ng mga taong dumadaan, bilangin ang mga sasakyang malalampasan, at itirintas ang nakapony kong buhok.
Narinig kong nagbeep ang phone ko kaya agad ko iyong binuksan.
-Milestonian GC-
ElleAdler: wru Janica?
JatEaston: Siszt gutom na ko! Bilisan niyo!
ElleAdler: ??? @ JanicaYap
Me: Y? I'm on my way to Milestone
KartAvery: We're in CC
Me: Okay
Ibinaba ko na ang phone ko saka iyon ipinasok ulit sa bag.
Iniliko ni Kuya Driver ang sasakyan ng sabihin kong sa Cozy Cabean muna ako dideretso at hindi sa Milestone.
Pag dating ko ay agad kong nakita sina Jat sa may bandang dulo kaya agad ko silang pinuntahan.
"Thanks G nakumpleto rin" ani Jat saka sumipsip sa straw.
"As if naman gusto mo kong makasama? Duh" sabi ko saka umirap.
Kinuha ko ang menu saka pumili roon. Isang slice lang ng cake at Caffuccino ang inorder ko.
Nang makarating na iyon ay walang gana ko iyong kinain. Wala ako sa mood at hindi ko alam kung bakit.
Saglit pa kaming nag daldalan at nag kwentuhan ng kung ano ano. Kung sino sino ring ikinukwento ni Jat sa amin. Chismoso.
Hindi na lang namin namalayan na napunta na ang usapan namin sa graduation dahil malapit na nga naman iyon.
"Anong plano niyo after Grad.?" tanong ni Elle.
"Hmmm yung bar parin" sagot ni Jat saka namin ibinaling ang tingin kay Kart na abala sa libro niya.
"Siguro mag work ako sa company ng tito ko... How about you Elle?" sagot niya saka tinignan si Elle.
"Manage our family business. Nilipat narin naman nila sa pangalan ko ang ilan sa mga yun"paliwanag niya saka ibinaling ang tingin sa akin. "How about you Janica?"
May mga palano na sila at alam na nila kung ano ang tatahakin at pupuntahan pero ako?
Clueless... Hindi ko pa alam ang gagawin ko... Wala pa talaga akong plano.
"I don't know... Wala pa akong plano" nahihiya kong sabi.
Hindi ko kasi talaga alam... Ang plano ko lang ngayon ay ang makapagtapos ng pag aaral.
Pero pagkatapos nun? Hindi ko na alam.
"Why not pursue your dreams?" suggestion ni Kart.
"Right! I saw your designs at maganda siya... I think may future ka dun" ani Elle.
Yun nga ang plano ko pero hindi ko talaga sigurado kung anong mararating ko sa pangarap ko.
Hindi ko rin sigurado kung may magtitiwala ba sa kakayahan ko kung sakaling sundin ko ang puso at pangarap ko.
"I'll try"
BINABASA MO ANG
Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)
Teen FictionPaano kung tuluyan tayong umibig sa taong hindi dapat? Kaya ba nating pigilan ang sarili nating mag mahal? Kaya ba nating ipaglaban ang pag-ibig natin kahit alam nating mali na sa umpisa palang o mas pipiliin nating itigil ito para ituwid ang pag ka...