Janica's POV
Hindi ko alam kung kakatukin ko ba sya o papasok na lang ako sa unit ko.
klaro naman ang sinabi sa akin ni Ms. Jimenez... Klarong klaro pero may parte sa akin ang pumipigil na katukin siya.
Baka dahil sa natatakot akong malaman ang totoo at sisihin ko ang sarili ko.
O baka takot ako na baka mali ang inaakala ko... Baka hindi na talaga ako..
Huminga ako ng malalim saka ibinaba ang kamay na akmang kakatok na sana.
Aalis na sana ako ng maramdaman ko ang isang kamay na humawak sa pulsuhan ko.
Hindi ko alam kung anong nag tulak sa akin na gawin yun pero bigla na lang akong lumapit sa kaniya at yumakap ng mahigpit.
Ang bigat... Ang sakit.
"May problema ba?"
"I'm sorry... I'm so sorry" Naiiyak kong sabi habang pilit na ibinabaon ang ulo sa braso niya.
Bakit ganito? Bakit pakiramdam ko ay kakalma ako sa bisig niya?
Bakit parang ayokong humiwalay sa pag kakayakap niya? Anong pakiramdam to?
"For?"
"I became weak... I-I chose to stay away rather than stay and fix our problem... I-I'm so sorry" Paliwanag ko saka muling yumakap sa kaniya.
Kumalas siya sa pag kakayakap ko at itinaas ang ulo ko para mas makita niya.
Marahan niyang pinunasan ang maliliit na butil ng luha ko sa pisngi.
"You're strong... You chose to stay away because you think that is the solution to our problem" bahagya niya pang inilapit ang mukha ko sa kaniya saka ako marahang hinalikan sa noo. "And I understand that"
"But-"
"It's my fault that I let you stay away from me, kahit alam kong kaya kitang pigilan... Hindi totoong ibinalita sa akin nina Elle ang pag alis mo dahil nandoon mismo ako sa airport ng mga oras na yun..."
Bigla naman akong natigilan sa sinabi niya.
Kaya ba pakiramdam ko nun ay nandoon siya? Kaya ba parang may kung anong humihila sa akin pabalik?
Nandoon siya...
"Sumunod ako but I did not approach you because I was scared... I'm scared because you might not really want to see me anymore" dagdag niya pa.
Hindi ko ginustong sabihin yun... Wala akong intensyong saktan ka.
Dahil nasasaktan rin ako.
"No, I only said that because I was afraid that I might ruin your dream-"
"You are my dream" pag tatama niya.
Lalong bumilis ang pag agos ng luha ko...
Pakiramdam ko ay kasalanan ko talaga lahat.
Na kahit magmahal lang ako ay makakasakit at makakasakit ako.
Pakiramdam ko ay ako ang problema... Pakiramdam ko ay ako ang talagang mali at hindi ang iba.
Bakit ko nagagawang saktan ang mga taong walang ginawa kundi ang mahalin lang ako?
"I'm sorry... I'm really sorry"
![](https://img.wattpad.com/cover/237552162-288-k740074.jpg)
BINABASA MO ANG
Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)
Novela JuvenilPaano kung tuluyan tayong umibig sa taong hindi dapat? Kaya ba nating pigilan ang sarili nating mag mahal? Kaya ba nating ipaglaban ang pag-ibig natin kahit alam nating mali na sa umpisa palang o mas pipiliin nating itigil ito para ituwid ang pag ka...