Chapter 11

93 9 0
                                        

"San tayo pupunta?"

"Ah sa National Bookstore na lang muna... Kailangan ko ng bumili ng mga highlighters eh" Ubos na kasi ang mga highlighters ko... Gamit na gamit kasi iyon sa akin sa tuwing mag rereview ako.

Tumango siya sa akin saka namin hinanap ang NB.

Medyo matagal na rin akong hindi na kakapunta rito sa Mall kaya nakalimutan ko na ang eksaktong lugar niyon...

Nang makarating na kami ay agad kong pinuntahan ang pwesto niyon saka kumuha ng iba't ibang kulay... Naalala ko na wala na rin pala akong mga Papers sa bahay kaya kumuha rin ako.

"Ilang buwan ka na lang mag aaral... Bakit andami mong kinuha?"

"Ah ano kasi ginagamit ko rin sa pag dedesign saka medyo madami talaga akong nagagamit sa reviewer ko."

Kung ang iba ay sanay na sa Laptop o cellphone nag lalagay ng notes o reviewer ako ay hindi... Mas sanay ako na hawak hawak ko mismo ang pinag-aaralan ko at mas naaalala ko iyon pag sinusulat ko ulit.

"Sige ako na ang mag bibitbit"

"Thank you"

Ang akala ko ay highlighter lang talaga ang bibilhin ko pero hindi...

Nag lakad lakad pa ako hanggang sa makahagilap ako ng brushes at watercolors kaya kinuha ko rin iyon...

Nakakita pa ako ng color pencils kaya kagaya ng mga nauna ay kinuha ko rin ito.

Nag tataka akong tinignan ni Nathan ng makabalik ako sa kaniya...

"Anong kurso mo nga ulit?" tanong nito... Sinimangutan ko siya kaya lalo siyang natawa.

"Aish!"

"Malapit ko ng isiping arkitekto ka dahil sa mga dala dala mo" Pang- aasar pa niya.

"Eh?... Gagamitin ko nga to sa pag dedesign ko!"

"Joke lang ito naman... Halika na bayaran na natin"

Kahit madaming dala dala ay nakuha niya pa akong akabayan papunta sa Counter para mag bayad...

"₱3,589.50 po" sabi ng Cashier. Ngumiti ako saka ko kinuha ang wallet ko para mag bayad.

"Let's go" ani Nathan.

"Huh?" Nagtataka ko siyang tinignan saka ulit ibinaling sa Cashier ang tingin. Iaabot ko na ang card ko ng ngitian ulit ako ng Cashier...

"Nabayaran na po ni Sir"

"A-ah O-okay"

Patakbo kong hinabol si Nathan sa pag lalakad. Hindi naman sa kaniya yun... Bakit niya binayaran?

"Bakit mo binayaran?"

"Gusto ko?" sarkastiko nyang sagot... Ganun ba yun?

"Hindi naman sa iyo yan saka ano ka Bangko ko?"

"Boyfriend mo"

"Exactly! Boyfriend hindi Bangko..." Pag tatama ko sa kaniya saka ipinagkrus ang braso sa dibdib ko.

"Love, wag mo ng isipin yun..."

"Ayoko lang kasing isipin mo na sinagot kita dahil sa pera mo" Diretsong sabi ko... Maraming ganun kung mag isip...

"Love, hind ko iniisip yun... Sige ganto na lang..." Hinawakan niya ang kamay ko saka ako iniharap sa kaniya. "Para di mo na masyadong isipin yun, hahayaan kong ikaw naman ang mag bayad mamaya"

Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon