"Really? Coincident nga ba talaga?" tanong ni Kart saka ibinaling ang tingin sa akin.
Umupo na rin sa tabi ko si Elle matapos patulugin si Xyd.
"Ofcourse... Masyadong malaki ang mall para hanapin ko siya"
"Hindi ba natin pag-uusapan ang pagtawag ng DADDY nung bata sa ex mo?" Ani Elle saka idiniin pa ang salitang Daddy.
Hanggang ngayon tuloy ay iniisip ko parin iyon. Alam kong ilang taon na ang nakalipas pero hindi ko alam kung bakit nagugulat parin ako.
Hindi naman malabong magkaroon siya ng girlfriend o asawa sa loob ng limang taon.
"Same Sis! Yun din ang iniisip ko" dagdag pa ni Jat.
Para tuloy kaming may sino-solve na problem ngayon.
"Ibigsabihin nagkatuluyan sila ni Ms. Jimenez"
Bigla namang nag flashback sa akin ang mga nangyari bago ako umalis dahil sa sinabi ni Kart.
Sila ang nakita namin ni Karl na magkasama noon. Pero sa pagkakaalala ko, ako pa ang mahal ni Nathan noon.
Oh gosh Janica calm down. Hindi mo na dapat pino-problema to...
"Hindi malabo... Bago ako umalis ay sila ang nakita namin ni Karl na magkasama"
"So anong plano mo?" awtomatiko akong napalingon kay Elle dahil doon.
"Plano saan?"
"Nakita mo ulit ang Ex mo, anong plano mo?" paglilinaw pa niya na para naman talagang pinagplanuhan ko ang mangyayari.
As if naman na alam ko na magkikita kami ulit. Masyadong malaki ang mundo.
"Wala, matagal na yun..." sagot ko saka marahang uminom ng vodka. "N-naka move on na ako"
"Talaga lang ha" pang-aasar pa ni Jat.
"Sa tingin ko"
Saglit lang ang itinagal namin kina Elle dahil kami kami lang rin naman nina Jat at Kart ang umiinom.
Umiiwas na kasi si Elle dahil kay Xyd at sa health rin daw niya na pinaaalalahan ni Xave.
Sana All kasi may nag aalaga.
Nag paalam na ako sa kanila at una na akong umuwi dahil pagod na rin ako.
Medyo lumalabo na rin ang paningin ko dahil siguro sa nainom ko. Pero kaya ko pa namang dalhin ang katawan ko.
Buti na lang at nandoon ang elevator operator dahil hilong hilo na talaga ako.
"What Floor, Ma'am?"
"10th"
Agad kong isinandal ang buong katawan sa gilid ng elevator saka ipinikit ang mata.
"What floor, Sir?"
"10th"
Marahan kong binuksan ang mata ko dahil sa narinig na pamilyar na boses.
"Nathan?" gulat na tanong ko sa kaniya.
Tatlong beses... Pangatlong beses na to. Ano bang? Aish!
"What are you doing here?" tanong niya na para bang ako pa ang may kasalanan.
"M-may unit ako dito"
BINABASA MO ANG
Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)
Ficção AdolescentePaano kung tuluyan tayong umibig sa taong hindi dapat? Kaya ba nating pigilan ang sarili nating mag mahal? Kaya ba nating ipaglaban ang pag-ibig natin kahit alam nating mali na sa umpisa palang o mas pipiliin nating itigil ito para ituwid ang pag ka...
![Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)](https://img.wattpad.com/cover/237552162-64-k740074.jpg)