Chapter 2

206 11 2
                                        

Nag mamadali akong lumabas ng bahay nag paalam muna ako kay Mommy saka tuluyang sumakay sa kotse.

"How's your daughter kuya?" tanong ko sa driver namin.

"Ayos na naman siya Maam... Thank you nga po pala sa pag papahiram kahapon" anito. Tinanguan ko siya sa ako ngumiti sa kaniya.

Siya rin naman ang nag aasikaso sa sasakyang ito kaya bakit ko ipagdadamot sa kaniya. Sa totoo nga ay ayoko talagang tanggapin ang alok ni Daddy tungkol dito pero alam kong hindi iyon magugustuhan ni Mommy.

Nakarating kami kaagad sa Milestone. Papasok na ako ng mapansin kong wala ang ID ko. Tignan ko iyon sa bag pero lace lang ang nakita ko.

Buti na lang at hindi ko naiwan ang phone ko kaya iyon muna ang pinascan ko sa guard.

Papasok na sana ako pero naalala ko na si Sir Jex Salvacion pala ang una namin. Patay ako.

Tinignan ko ang relo ko. 10 minutes na lang mag sisimula na. Shocks!

Mabilis akong tumakbo pa punta sa department ni Sir Jonathan baka dun ko naiwan yun nung nag ayos ako ng folders.

Nang maka pasok na ako dun ay agad kong sinarado ang pinto.

"Lagot ako pag nakita ako ni Sir dito." sabi ko sa sarili saka ko hinanap ang ID.

Yumuko pa ako sa may couch nag babaka sakali na makikita dun ang ID ko.

Tinignan ko pa sa book shelves pero wala pa rin. Pagtingin ko sa relo ko. Shocks! 2 mins na lang!

Tinaas ko ang mga librong nakapatong sa mesa ni Sir pero wala pa rin doon.yumuko a" sabi ko na para bang sasagot at mag papakita sa akin ang hinahanap ko.

Yumuko ako sa Lamesa saka sumilip dun. Ipinasok ko pa ang ulo ko lalo pero wala pa rin.

"Ms. Yap what are you doing here?"

"Aw! Ang sakit" daing ko. Nagulat kasi ako sa kaniya kaya tumama ang noo ko sa kanto ng mesa niya.

Lumapit siya sa akin at tinignan ang noo ko.

"Dumudugo... Ano ba kasing ginawa mo rito?" tanong niya saka lumayo sa akin at may kinuha sa drawer niya.

"Hinahanap ko po kasi yung ID ko"

"ID? Aanhin mo ang ID kung naka pasok ka na rito?" tanong niya saka lumapit sa akin at kumuha ng bulak.

"Si Sir Jex po kasi ang prof namin ngayon. Ewan ko dun pero gusto niya may ID lahat ng studyante niya at tiyak na papalabasin ako nun kapag wala siyang nakita."

Ilalapit niya na sana sa akin ang bulak pero pinigilan ko ang kamay niya.

"S-sir alcohol ba yan?"

"kailangan kong linisin ang sugat mo." Inilapit niya ulit ang kamay pero tinakpan ko ang noo ko.

"Ayoko. Mahapdi ya---" hindi niya na ako pinatapos sa pag sasalita at bigla niya na lang hinalawakan ang likod ng ulo ko at inilapit iyon sa kanila saka niya idinampi ang bulak sa noo ko. Napapikit ako dahil sa hapdi pero naalis rin naman ng hipan niya iyon.

Sunod sunod ang naging paglunok ko dahil dun...Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko na naka sagabal sa noo ko sala niya iyon nilagyan ng band aid.

"Masakit pa ba?"

"Hindi na po Sir." sabi ko. Tinanguan niya ako saka luminga linga.

Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon