Maaga akong nagising o dapat kong sabihing hindi talaga ako nakatulog kaya mukha akong zombie ngayon.
Hindi ko alam pero kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog kagabi. Dahil siguro sa mga iniisip ko.
Bumaba na ako at nag punta sa kusina matapos mag ayos. Wala na rin naman akong gagawin dito kaya maaga na lang akong papasok.
Nang matapos na akong kumain ay itinext ko na si Kuya Driver para sunduin ako at agad rin naman siyang nag reply.
From: Kuya Driver
Ay Maam nasiraan po kasi ulit yung sasakyan.
Nanaman? Grabeng sasakyan naman yun. Tsk.
To: Kuya Driver
Okay lang kuya.
Paano ako nito? Aabutin ako ng siyam siyam kung mag aantay ako sa labas. Wala pa namang pumapasok na public transportation dito.
"Oh bakit hindi ka pa pumapasok?"
"Nasiraan daw po kasi yung sasakyan... Hindi ako masusundo"Agad na ibinaba ni Mommy ang kape niya.
"Huh? Paano yun? Maghihintay ka sa labas?"
Nag isip isip pa ako ng paraan. Unang naisip ko ay kontakin si Nathan pero hindi pwede. Lalo namang hindi pwede kung si Karl. Shhh!
Oo nga pala!
"Mommy nandyan pa po ba yung bike ko dati?"
"Oo nandyan pa"
patakbo akong umakyat sa kwarto ko para kunin ang gamit ko, at ang knee pads at helmet ko.
"Sige Mommy aalis na ako" Sabi ko ng maisuot na iyon.
"Sige mag iingat ka" aniya saka bumeso.
Inilagay ko na sa metal mesh basket ang bag ko at dalawang libro saka ako sumakay at umalis.
Nakakapagod rin pala to. Siguradong maliligo ako ng pawis tsk. Kesa naman malate ako. Bahala na.
Binilisan ko na ang pag pedal para mabilis na makarating sa Milestone High. Buti na lang at hindi ganun kalayo ang Milestone sa bahay namin.
Nang makarating na ako ay inilock ko ang bike saka patakbong pumasok. Dahil sa pag mamadali ay nahulog ko pa ang dalawa kong libro.
Bago ko pa makuha iyon ay dalawang kamay na ang pumulot roon. Inayos ko ang damit saka tumayo.
"Salamat" sabi ko saka kinuha ang isang libro kay Nathan at ang isa ay kay Karl.
"Ihahatid na kita Jani"Pag piprisinta niya.
"Sumabay ka na sakin...Ako naman ang first subject niyo"
Sunod sunod ang naging pag lunok ko. Hindi ko alam kung saan o kung kanino lilingon. Anong trip to? Kailangan talaga ay sabay kayong dalawa?
"Mauna po kayo Sir ako na ang sasabay kay Jani"
"Hindi na Mr. Ramirez baka malelate ka pa sa klase mo" masungit na sagot nito kay Karl saka ako nilingon.
"Mamaya pa po ang klase ko"
"Ay hindi na... Ako na ang bahala sa sarili ko, okay?... Di pa naman ako baldado" Umirap pa ako saka sila iniwan roon. Lagi na lang nag sasagutan.
BINABASA MO ANG
Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)
Teen FictionPaano kung tuluyan tayong umibig sa taong hindi dapat? Kaya ba nating pigilan ang sarili nating mag mahal? Kaya ba nating ipaglaban ang pag-ibig natin kahit alam nating mali na sa umpisa palang o mas pipiliin nating itigil ito para ituwid ang pag ka...