"May kwek kwek yata dun oh! Hala nag crave ako bigla! Tara!" pag yayaya ko ng may makitang parang tusok tusok.
Patakbo akong pumunta doon at parang nabusog ang mata ko dahil sa nakita.
Andaming kwek kwek, may fishball, may kalamares. Para tuloy akong batang tuwang tuwa dahil sa nakita.
"Kuya pahingi po ng baso" sabi ko kay kuya tindero. Para namang naestatwa si Nathan sa kinatatayuan niya. "Bakit?"
"Yung kamay mo" naiilang na sagot niya kaya agad kong sinilip iyon.
Nahihiya kong binitawan ang kamay niya na kanina ko pa palang hawak. Nakakahiya.
"Ah ano kasi na-excite ako... Wala namang ganito sa France" alibi ko. Kaysa naman isipin niyang patay na patay ako sa kaniya.
Hindi na namin iyon pinansin at ibinaling na lang namin ang atensyon sa pagkain.
Para akong sabik na sabik ngayon... Tatlong baso kasi ang hawak ko sa isang kamay habang hawak ko naman ang stick sa isa pang kamay.
Naupo kami sa bench sa tabi ng kalsada. Ngayon ko lang na realize na mag gagabi na pala dahil sa sunset na nasa harapan ko.
"Matakaw ka pa rin" pabirong anito habang abala sa pag tusok ng fishball niya.
"Hindi na ako tatanggi, saka ayos nga eh hindi naman ako tumataba"
Matagal ng ganito ang katawan ko na kahit kain ako ng kain ay hindi ako tumataba.
Sakto at tama lang naman ang bigat ko sa tangkad ko kaya ayos na rin... Sabi nga ng iba ay pang model ang katawan ko.
Atleast nakakain ko lahat ng gusto ko ng hindi iniisip ang katawan ko.
"Kamusta ka na?"
"Huh? Lagi tayong nag kikita at kagabi ay mag kasama pa tayong dalwa... Bakit mo pa ako kinakamusta?" sarkastikong tanong ko.
Totoo namna kasi... Mag kaharap lang ang unit naming dalawa. Palagi rin naman naming nakikita ang isa't isa.
"Ibig kong sabihin, kamusta ka nung umalis ka papuntang France?" pag lilinaw niya.
Ibinaba ko ang pagkain saka siya seryosong hinarap.
"Okay naman... Nagawa ko ang dahilan ng pag alis ko, hindi ko nga inexpect na sa loob ng isang taon ay magiging successful yun" paliwanag ko at parang nag flashback pa sa akin lahat. "Hindi ko rin naman yun magagawa kung walang nag tiwala sa akin... At si Jacob yun"
Noon ay takot ako sa judgement... Takot ako sa sasabihin ng iba. Takot akong madismaya sila...
Hinayaan ko noon na mas maging malakas ang boses nila kaysa sa gusto ng puso ko.
Kaya rin siguro ni-let go ko ang lalaking nasa tabi ko... Takot akong mahusgahan... Takot akong mapasama siya kaya mas pinili kong palayuin siya.
Ayokong makitang bumaba ang taong importante sa akin dahil sa kagagawan ko... Masyado ko ring kinwestyon noon ang halaga ko.
Pero swerte talaga siguro ako dahil may mga nag titiwala sa akin kahit ganoon.
"Siya ba ang dahilan kung bakit ka hinahabol kanina?"
"Hindi na oo, hindi naman alam ni Jacob na ganun ang mangyayari saka ako yung nag desisyon na mag papicture... Labas siya" paliwanag ko.
Nag sorry pa nga si Jacob nun kahit wala siyang ginagawa...
"May gusto ka sa kaniya?" halos maibuga ko ang iniinom na buko dahil sa tanong niya.
BINABASA MO ANG
Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)
Novela JuvenilPaano kung tuluyan tayong umibig sa taong hindi dapat? Kaya ba nating pigilan ang sarili nating mag mahal? Kaya ba nating ipaglaban ang pag-ibig natin kahit alam nating mali na sa umpisa palang o mas pipiliin nating itigil ito para ituwid ang pag ka...
![Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)](https://img.wattpad.com/cover/237552162-64-k740074.jpg)