Bigat na bigat ako sa tatlong makakapal na librong dala dala ko... Bakit kasi hindi ko to naisipang ilagay na lang sa locker ko imbis na inuuwi ko pa sa bahay...
"Ay sorry sorry" Sabi ko saka ako yumuko para pulutin ang mga libro ko... Naunahan niya akong makuha ang lahat ng libro kaya pinag pag ko na lang ang sarili ko at tumayo ng ayos. "Sir?"
"Goodmorning Ms. Yap" bati niya sa akin habang nasa kaniya pa rin ang libro.
"Sorry po Sir... Akin na po" pilit kong kinukuha ang libro ko pero hindi niya iyon ibinibigay.
"Ako na ang mag dadala nito tutal ako naman ang una niyo..."
"Pero Sir kaya ko naman---"
"Hindi ko sinabing hindi mo kaya..." anito saka nag lakad pa palapit sa akin... "Ang sabi ko ako... ang... mag dadala..."
Sunod sunod ang naging pag lunok ko dahil dun... Bakit ganun ang epekto niya sa akin? Ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso.
Imbis na kuhanin ulit ang libro ko ay hinayaan ko na siyang dalhin iyon dahil tiyak na hindi niya rin naman iyon ibibigay...
Konti na lang ay makakapasok na kami sa classroom kaya agad ko siyang nilingon para kuhanin ang libro.
"Sir ako na po ang mag bibitbit"
"Bakit? Malapit na tayo" anito saka muling nag lakad. Hinila ko ang manggas ng polo niya kaya napatigil siya.
"Ah Sir kasi po may damage ang utak ng mga blockmates ko kaya... Baka kasi... Ano kasi"
"Okay" Sabi niya saka ibinalik sa akin ang mga libro ko.
Nauna akong mag lakad papasok habang kasunod ko siya.
Mabilis akong nagpunta sa pwesto ko para hindi na nila ako pag tapunan ng atensyon. Nakangiti akong tinignan ni Hershey... Mapanukso ang tingin niya...
"Bakit?"
"Sabay kayo ni Sir?" Sabi na eh, may damage nga ang mga utak nila.
"Ah hindi, ano kasi nakasalubong ko si Sir paakyat haha" sagot ko saka nag peke ng tawa... Ang hirap mag explain pag hindi totoo tsk!
"Oo nga yun nga... Ano bang iniisip mo?"
"Yun! Yun ang iniisip ko" Pagkatapos niyon ay tinalikuran ko na siya at hindi na pinansin..
Nag simula ng mag turo si Sir sa unahan... Mas nakapakinig na ako ng ayos ngayon kesa sa mga nakaraang araw na sobrang lutang ko dahil sa mga nangyayari...
Hindi siya naka pwesto lang sa gitna kung mag turo... Nararating niya ang ibat ibang sulok ng silid na to para siguro mapukaw nya ang atensyon ng mga studyante niya.
Kapag natapos pa siya sa pag sasalita ay bigla bigla siyang ngingiti... Ewan ko pero iba ang epekto sa akin ng ngiting iyon, mukhang normal pero iba ang dating... Aish! Anong iniisip mo Janica?!
"Kung may hindi kayo naintindihan sa tinuro ko pwede niyo akong puntahan at tanungin tungkol dun... Class dismiss" anito.
Naka tingin pa rin ako sa question 5... Medyo naguguluhan ako kung paano nakuha yun kaya sinolve ko ulit ng paulit ulit.
Pagtingin ko ay parepareho naman ang sagot ko... Anong mali? Parang may mali...
Umalis na si Sir at ang iba kong mga ka block... Iniisip ko tuloy kung pupuntahan ko si Sir sa opisina niya para itanong ito o ako na lang ang bahalang isearch ito mamaya dahil alam may mga chismosa akong blockmates na nag mamala CCTV.
BINABASA MO ANG
Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)
Novela JuvenilPaano kung tuluyan tayong umibig sa taong hindi dapat? Kaya ba nating pigilan ang sarili nating mag mahal? Kaya ba nating ipaglaban ang pag-ibig natin kahit alam nating mali na sa umpisa palang o mas pipiliin nating itigil ito para ituwid ang pag ka...