Nawala ang kaba sa dibdib ko ng maalala kong wala kaming schedule kay Nathan. Hindi pa ako handang makita sya ngayon o makausap manlang. Masyado pang sariwa sa akin ang lahat.
Habang nag hihintay ng sunod na prof ay saglit kong sinilip ang mata ko sa salamin. Buti na lang at hindi na ganoong kapula at kamaga.
Nasabi ko na rin kay Mommy ang nangyari. Nung una ay pilit ko pang itinatago sa kaniya pero totoo nga yata na hindi tayo makapag tatago ng sekreto sa mga nanay natin.
Nalungkot siya sa nangyari pero ang sabi niya ay nasa akin naman raw ang desisyon. Una pa lang ay alam ko ng masasaktan at masasaktan talaga ako pero hindi ko inakalang ganito kasakit na miski kausapin siya ay hindi ko magawa.
Nagpaalam sa akin sina Elle dahil lilipat na silang tatlo at maiiwan ako... Hindi kasi lahat ng subjects ay magkablock kaming apat kaya madalas akong napapahiwalay sa kanila.
"Students, Walang sisigaw, walang papalakpak o gagawa ng kahit anong ingay... Sasabihin ko sainyo na wala na kayong afternoon class... Kung walang gagawin rito ay umuwi na kayo" paalala ni Sir Evan. "Goodbye"
Inayos ko na ang mga gamit ko saka iyon isinakbit sa akin.
Pauwi na sana ako pero nakaramdam ako ng gutom kaya balak ko munang dumaan sa Cafeteria bago umuwi.
Malapit na ako roon ng mahagip ng mata ko si Nathan na may kausap na co-teacher niya... Hindi si Ms. Inah iyon kaya medyo natuwa ako.
Papalapit na sana siya sa akin ng iniiwas ko sa kaniya ang tingin saka nag lakad ng deretso. Binilisan ko pa ang pag lalakad para hindi na niya masundan.
Pag pasok ko sa Cafeteria ay pumwesto ako sa dati kong inuupuan sa may dulo noong mga panahong mataas pa ang pride ko at hindi pa kami mag kaayos ni Elle.
Mag mimistula na naman akong loner nito.
Umorder na ako saka ako bumalik sa upuan at kinuha ang sketch book ko at ilang mga highlighters at pencil ko. Buti na lang at nadala ko to. Ang boring pa naman ng social media accounts ko.
Tahimik akong nag sketch ng kung anong damit na pumasok sa isip ko. Wala talaga akong ideya sa pinag guguhit ko pero bahala na... I need to trust the process katulad ng nangyayari ngayon. God is still writing my story I need to trust him and quit stealing his pen. I need to trust the author...
Ilalapat ko na sana ang highlighter ko ng mapansin kong nasa tabi ko na si Karl kaya agad kong sinara ang sketch book at inilayo iyon sa kaniya.
"Why?"
"A-ah N-nothing" nauutal utal kong sagot sa mokong. Manggugulo na naman to eh.
"Are you hiding something?"
"Wa-wala no! Tsupi ka nga!" sabi ko saka siya inirapan. Imbis na umalis ay umupo pa siya sa tabi ko saka ako nginisian.
"Patingin" pag uutos niya. Wow ah? Wow na wow.
"Ayoko... Ah yo ko!"
"Pag hindi mo ibinigay, hindi ko na isasauli" Pag babanta pa niya.
"I'm scared huhu... Thieve!"
"Wala pa akong kinukuha, thieve agad?"
"Whatever Mr. Ramirez"aalis na sana ako ng hatakin niya ang kamay ko kaya parang huminto ang lahat.
Nakahawak ang kanang kamay ko sa balikat niya habang hawak niya ang kaliwang pulsuhan ko.
"I got your sketch book" Para akong nabuhusan ng tubig ng marinig siyang mag salita.
BINABASA MO ANG
Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)
Fiksi RemajaPaano kung tuluyan tayong umibig sa taong hindi dapat? Kaya ba nating pigilan ang sarili nating mag mahal? Kaya ba nating ipaglaban ang pag-ibig natin kahit alam nating mali na sa umpisa palang o mas pipiliin nating itigil ito para ituwid ang pag ka...
![Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)](https://img.wattpad.com/cover/237552162-64-k740074.jpg)