Sobrang sakit ng ulo ko ng tumayo ako sa higaan. Naghilamos na ako kaagad saka nag ayos bago tuluyang bumaba.
Nanliliit ang mata ko habang bumababa ng hagdanan dahil parang umiikot ang kinatatayuan ko.
"Kanina pa kita hinihintay... Hindi ka pa nakakakain" ani Mommy saka ako ipinag sandok ng makakain.
Naka hawak ako sa sintido ko ng umupo ako saka nag simulang kumain.
"Masakit parin ba ang ulo mo?"
"Medyo po"
"Ikaw naman kasi... Dapat ay hindi ka uminom ng sobra kung hindi mo kaya" pag sesermon pa ni Mommy.
"Hindi naman po ako lasing eh... Hinatid na lang po talaga ako ni Kart" Nag tataka niya pa akong tinignan matapos kong magsalita.
"Anong Kart? Si Karl ang nag hatid sayo"
Bigla akong nasamid sa narinig ko. Papaanong si Karl eh wala naman siya dun?
"Karl?"
"Oo, yung gwapong nag hahatid sayo. Buhat buhat ka pa nga nyang ipinasok sa kwarto mo"
"Mommy!"
"Oh eh bakit? Gwapo naman talaga yun ah?" pag papaliwanag pa niya.
Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Kart at tanungin kung sino nga ang naghatid sa akin kagabi. Hindi ko na kasi talaga maalala.
Pipindutin ko na sana ang pangalan niya ng makita kong nauna na syang tumawag sa akin kaya simagot ko na lang iyon.
"Kart. May itatanong ak-"
[Janica ako muna... ] Sunod sunod ang naging paglunok ko dahil dun. nag mamadali ba sya?
"O-okay"
[Nawala si Elle nung umalis ka-]
"Anong nawala? Panong nawala? San nawala?" Sunod sunod na tanong ko. Nag aalala ako eh.
[Hey Calm down!]
"I'm sorry... Sige ituloy mo na"
[Hindi pa nila naipapaliwanag ang totoong nangyari... Kaya miski ako ay walang alam]
"Nasan sila? Nasan siya?"
[Nasa hospital pa ngayon si Elle] Bigla akong kinabahan sa sinabi niya.
May nangyaring masama sa kaniya? Anong nangyari sa kaniya?
"Huh? Saang hospital? Gusto kong pumunta."
[Hindi pa pwede ngayon Janica... Hindi pa nagigising si Elle saka kakauwi lang rin namin ni Jat... But don't worry ite-text kaagad kita pag nakareceive na ako ng balita, I'm sure mag sasabi naman si Xavier]
Hindi na ako halos makapag salita dahil hindi ko lubos maisip na may mangyayaring masama pagkaalis ko kagabi.
"Dapat ay hindi muna ako umalis kagabi"
[No Janica, it's not your fault don't blame yourself...]
"Nagi-guilty kasi ako eh... Kung sanang nandun ako ay baka nabantayan ko pa si Elle" Narinig ko ang saglit na pag tawa niya matapos kong magsalita.
[Janica lasing ka din kagabi so hindi mo din mababantayan si Elle]
"Whatever... Ah Kart"
BINABASA MO ANG
Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)
Fiksi RemajaPaano kung tuluyan tayong umibig sa taong hindi dapat? Kaya ba nating pigilan ang sarili nating mag mahal? Kaya ba nating ipaglaban ang pag-ibig natin kahit alam nating mali na sa umpisa palang o mas pipiliin nating itigil ito para ituwid ang pag ka...