Chapter 33

50 6 0
                                    

Nathan's POV

Lumabas ba sya kanina? Parang narinig kong umalis nga siya.

Sinulyapan ko ang Relo sa kaliwang pulsuhan para tignan ang oras.

Alas dos na at wala pa siya. San ba kasi siya nag punta? Hindi ba niya alam na delikado na sa mga ganitong oras?

Nang marinig ko ang ilang mga yabag sa labas ay dali dali kong binuksan ang pintuan para tignan iyon.

Bumungad sa akin si Karl habang karga karga na parang sanggol si Janica.

Pareho pa kaming nagulat ng makita ang isa't isa. Nag kunwari na lang akong lalabas para hindi niya mahalata.

"Ahm... Sir Nathan" bati niya kaya tumango ako saka tinignan si Janica na ngayon ay tulog na. "Ah Sir ikaw na muna bahala kay Bal kailangan ko ng umalis eh"

Nagulat na lang ako ng ibigay niya sa akin si Janica na para bang tunay na sanggol nga.

Marami pa sana akong itatanong pero agad na siyang umalis ng walang sabi sabi.

"Tsk, Uminom na naman" sabi ko matapos amuyin ang bibig niya.

Ang tapang ng amoy kaya't nakasisigurado akong madami ang nainom niya.

Kinarga ko siya gamit ang isang kamay saka ginamit ang isa pang kamay sa pag hahanap ng keycard niya para maipasok ko na siya.

Wala siyang bulsa at wala rin namang ibinigay sa aking bag si Karl.

"Pano kita ipapasok don?... Okay wala na akong choice"

Binuksan ko ang pintuan ng unit ko saka siya marahan na iniupo sa couch ng magising na siya.

Nakapikit siya pero naririnig ko ang mahinang bulong niya. Kumuha ako ng toothbrush na hindi pa nagagamit.

Hindi ko siya pwedeng hayaang matulog ng ganoon ang amoy.

Inalalayan ko siya sa magkabilang braso saka itinayo.

"You need to brush your teeth" Sabi ko saka ibinigay sa kaniya ang toothbrush at inilapit siya sa sink.

"I'm sleepy" nakangusong aniya saka ibinalik sa akin iyon.

"No, Your mouth smells alcohol..."

"I'm tired, I'm fainting"

Naka pikit niya akong kinakausap kaya kinuha ko na lang ang toothbrush at pinaupo siya sa Toilet.

"Open your mouth"

"Ah"

Marahan kong sinipilyo ang ngipin niya habang hawak hawak ng isa kong kamay ang likod niya dahil kung hindi ay siguradong babagsak siya.

Nang matapos na ay inalalayan ko siya papunta sa kwarto ko at doon siya inihiga.

Papaalis na sana ako ng matapos ko siyang kumutan ng maramdaman ko ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"Wait... I have a question, answer them honestly... Okay?"

"Okay, What?"

"Anong nagustuhan mo sa akin" Tanong niya saka itinagilid ang ulo.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig at naistatwa ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko maigalaw ang bibig ko kahit sobrang dami kong gustong sabihin.

Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon