Epilogue

135 7 18
                                        

"How about commercial?"

"Is it palatastas?" nag aalinlangang sagot niya.

Para siyang batang tinuturuang mag salita ng tuwid.

"No"

"but I'm sure it's palatastas"pamimilit pa niya kahit hindi naman talaga.

"It's not"

Ewan ko ba rito kay Jacob kung anong trip at pinapahirapan ang sariling mag tagalog.

"I get it! HAHA! It's patatas!"

Bigla kong naibuga ang kape na iniinom ko dahil sa narinig.

Tuwang tuwa pa siya dahil nakuha na raw niya HAHAHA! pilit kong pinipigilan ang malakas na pag tawa ko pero hindi ko nakayanan at malakas ko iyong napakawalan.

"HAHAHA no! Patatas is Potato... It's patalastas"

"It's malapit kaya! I proud of myself"

anong malapit run? Ginawa niyang pagkain yung commercial...

Inayos ko ang mga gamit kong nakakalat pa sa lamesa dito sa coffee shop.

Yeah after Three years ay may naipundar na naman akong business... Coffeeshop.

I didn't expect na mag kakaroon pa ako ng negosyo ulit at dito pa sa France...

Naalala ko tuloy kung paano gamitin ni Jacob ang looks niya para makahakot ng costumer.

Gumawa pa siya ng sign na 1 picture 1 Coffee... 1 hug/picture 2 frappé... Iba rin talaga siyang sumuporta.

Three years... Madami na ang nangyari sa loob ng three years... Sobra.

"Ano ang next word?" conyong tanong niya.

Taglish ang luko... Kala mo talaga la salle.

"Ano bang trip mo at nag aaral ka ng tagalog?"

"Hey I get that! HAHA!... Secret" tuwang tuwang anito.

Medyo nag iimprove naman ang pag sasalita niya ng tagalog ofcourse! Dalawang taon na siyang nag papaturo!

Kung walang improvement ay susuko talaga ako... Nag dudugo na nga minsan ang ilong ko dahil sa malalalim na ingles niya na hindi ko kayang itranslate.

Send help :-|

"I'll go home na..." paalam ko saka siya nilapitan at binigyan ng yakap.

"I'll drive you home"

"No it's okay... Pasundo na lang ako kay Jiyu" Binuksan ko ang bag saka kinuha roon ang phone ko at dinial ang number ni Jiyu.

May utang tong hatid sa akin eh... Bahala ka sa buhay mo pag may meeting ka!

"Pinagpalit mo ako kay Jiyu!" nakangusong anito na para bang nag tatampo na ewan.

"You're my friend-"

"He's your what? Man?" Pang aasar niya pa saka ako pinanliitan ng mata.

Baliw nito... Pogi sana kaso mapang hinala.

Hindi niya pa kasi na mi-meet si Jiyu... Busy kasi ng taong yun.

Hindi ko na siya pinansin saka ko tuluyang tinext si Jiyu, di naman kasi sinasagot ang tawag ko.

Kukutusan ko na to eh! Ay hindi pala ako nananakit. :-\

Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon