Mag-isa akong naka upo sa couch. Nag kayayaan kasi kami na pumunta rito sa Bar nina Jat para mag celebrate. Sinama na rin ni Jat ang ibang Milestonian dahil Friendly siya -_-.
Iniwan ako ng tatlo dito... May pinuntahan si Jat habang nasa may bar counter naman si Kart at si Elle? Ewan ko biglang nawala eh...
Nag lakad ako papunta sa dance floor. Halos matumba tumba pa ako dahil sa kababangga ko sa nga nag sasayaw dito. Muntik na akong tuluyang bumagsak pero may humawak sa balikat ko.
"Karl!" pasigaw kong bati dahil kung hindi ako sisigaw ay hindi kami magkakarinigan.
Hindi niya ako sinagot sa halip ay inalalayan niya lang ako pabalik sa couch saka tumabi sa akin.
"Good evening Janica"
"Yeah Good evening... Congrats din pala!" oo late na late na yung bati ko pero di ko kasi siya nabati nun.
"Congrats din... Nasan sina Elle?"
"Ewan ko dun iniwan nila ako eh!"sagot ko saka sandaling nag pout.
Kukunin ko sana ang wine glass na nakapatong sa lamesa pero pinigilan niya ako.
"Hindi maganda ang sobra"
"Hindi naman sobra..."Hindi niya ako pinansin at inilayo parin sa akin ang baso.
Tinitigan ko siya... Maganda pala ang hugis ng mukha niya, matangos ang ilong, may mapupungay na mata, perpektong hugis ng kilay... Gwapo rin siya... Aish ano ba Janica!
"Stop staring at me" Sunod sunod ang naging pag lunok ko dahil dun at agad kong inalis ang tingin sa kaniya.
"Assuming ka! Hindi ikaw ang tinitigan ko!... I-iyon!" pag sisinungaling ko. Shhhh bat naman kasi!
"Really?"
"Ah O-oo!" gumuhit ang ngisi sa labi niya.
Tinitigan niya ako kaya bahagya akong lumayo sa kaniya pero hindi siya tumigil at mas lalo pa akong tinignan sa mata.
"I like the color of your eyes... Light Brown" anito.
"Maganda rin ang sayo... Gray" Bigla siyang tumawa dahil sa sinabi ko... Itinagilid ko ang ulo na parang nagtataka dahil hindi ko alam ang pinag tatawanan niya.
"Hindi ako ang tinitignan mo?"
"Ah ano kasi... Ano nakita ko nung ano... Ah nung tinignan mo yung ano"
"You don't have to explain" Anito saka bahagyang lumayo sa akin. "I can't blame you... Nagwa-gwapuhan ka sa akin"
"Aish! Ang yabang mo Mr. Ramirez! Di kita ma reach" sabi ko sabay irap.
Nagkwentuhan pa kami tungkol sa mga buhay namin at ang mga hinanakit namin...
Hindi ko alam pero kahit ngayon lang kami nag usap ng matagal ni Karl ay parang bang ang tagal na ng pinag samahan namin para makapag sabi kami ng ganito sa isa't isa.
Mabait rin kasi siya... Mukha siyang palabiro at hindi seryoso pero may parte rin sa kaniya ang pagiging seryoso at may sense din naman kausap.
Nagugulat na lang kami sa isa't isa dahil kahit wala namang nakakatawa sa pinag uusapan namin ay bigla na lang kaming mag titinginan at tatawa ng sabay... Dahil siguro natutuwa ako sa mukha niya HAHAHHAHA joke.
Marami na rin kaming napag usapan... Siguro nga ay kanina pa nasasamid si Elle dahil kanina pa namin siya Topic. Madami rin raw kasing naikwento si Cayleb tungkol sa kanila ni Elle...
BINABASA MO ANG
Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)
Novela JuvenilPaano kung tuluyan tayong umibig sa taong hindi dapat? Kaya ba nating pigilan ang sarili nating mag mahal? Kaya ba nating ipaglaban ang pag-ibig natin kahit alam nating mali na sa umpisa palang o mas pipiliin nating itigil ito para ituwid ang pag ka...
![Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)](https://img.wattpad.com/cover/237552162-64-k740074.jpg)