Chapter 27

71 7 0
                                    

Mabilis akong nag ayos saka ko kinuha ang phone ko para tawagan si Karl.

One call away kasi siya kaya kahit wala sa plano ay sya ang nagiging kasakasama ko.

Masyadong busy si Elle sa family business na minamanage niya, si Jat at abala sa Bar nila, at si Kart ay nag tatrabaho narin sa company ng tito niya.

"Tara?"

[Sige, pero san?] Tanong niya dahil hindi ko pa nga pala nasasabi sa kaniya.

"Sa mall may mga kailangan akong bilhin"

[Sige sunduin kita bal... Hintayin mo ako]

Pinatay niya na ang tawag kaya ipinasok ko na ulit ang phone ko sa bag saka ako bumaba para hintayin siya.

Ako lang ang naiiwan ngayon sa bahay dahil abala si Mommy sa trabaho niya kaya minsan na lang rin kami magkita.

Ilang minuto lang ang nakalipas at may narinig na akong bumisina mula sa labas kaya dali dali akong lumabas para puntahan siya.

Nang makita ako ay kaagad siyang lumabas sa kotse saka ako pinagbuksan ng pinto sa shotgun seat.

"Na miss kita... Ilang buwan rin tayong di nagkita" anito habang isinisuot ang seatbelt.

Simula ng makagraduate kami ay hindi na ulit kami nakalabas labas pa dahil naging busy na rin ako.

Nahihiya naman akong mangulit sa kaniya dahil baka abala rin siya sa trabaho niya.

"Sorry... Masyadong busy sa mga papers ko"

"Oo nga pala... Swerte ka di pa ako busy ngayon kaya nahihila hila mo pa ako kung saan saan" walang paligoy ligoy na anito saka pa ako nginisian.

Hindi pa siya busy? Anong ginagawa nito?

Ay oo, mayaman na nga pala tsk.

"Engineer na nga pala ang kausap ko..." sabi ko saka siya tinapik sa braso. "Ikaw na ang bahala sa magiging bahay ko Eng. Ramirez ha"

"Mag papatayo ka na?" excited na anito habang nag mamaneho.

"Hindi pa, pero baka mapaaga"

Nginisian ko siya saka kinindatan kaya kitang kita ko ang pag sasalubong ng mga kilay niya.

"Lakihan mo ang sahod mo sa akin ha!... Mahal ako"

"Yabang! Sige na marami pa akong bibilhin"

Mabilis kaming nakarating sa Mall dahil wala pang masyadong sasakyan sa ganitong oras.

Dumeretsyo muna ako sa grocery store para bumili ng mga pagkain na dadalhin ko sa byahe.

Pagkatapos nun ay dumeretsyo kami sa clothing store para bumili naman ng mga damit na dadalhin ko pero hindi ko na dinamihan dahil baka hindi magkasya sa luggage ko.

Dun na lang ako bibili pag nagkulang.

Kinuha ni Karl ang mga paper bags na bitbit bitbit ko saka iyon tinitigan.

"Dami nito ha! May bahay ka na ba dun?" tanong niya.

"Condo lang... Saka maigi na ang handa no" sagot ko saka naka krus ang kamay na binangga ang balikat niya.

Hindi na namin alam kung saan pupunta pero nag papatuloy parin kami sa oag lalakad.

Ilang minuto lang ay napansin kong tumigil siya kaya agad ko siyang nilingon.

Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon