Chapter 16

100 9 0
                                        

"Nandito ka lang pala"

Halos mapatalon ako ng biglang makita si Karl pagkalabas ko ng banyo.

Lumapit ako sa kaniya saka siya hinataw sa balikat.

"Aray!"

"Nakakagulat ka!"

"Pano ba naman eh kanina pa kita hinahanap kung saan saan" paliwanag niya saka hinawakan ang balikat.

"Bakit mo kasi ako hinahanap?"

"Ililibre mo ako"

Hinampas ko pa ulit siya sa balikat dahil dun. Pano  ko naman siya ililibre eh wala maman akong sinabing ganun?

"Anong libre? Wala akong sinabing ganun no!"

"Hindi ka nanood ng laro namin kaya you owe me"

"Hind"

"Hush! Tara na" anito saka ako inakbayan ay inilagay ang nakaakbay na kamay sa bibig ko kaya di ako makapag salita.

Wala na akong nagawa kundi sumunod na lang sa kaniya. Manlilibre pa tuloy ako.

Malapit na kami sa Cafeteria ng makasalubong namin si Nathan. Tumigil kaming dalawa ni Karl saka siya tinignan.

Pinagmasdan niya kaming dalawa ni Karl saka iniiwas sa amin ang tingin ay naglakad papalayo.

"Anong problema nun?" Tanong ni Karl sa akin.

"E-ewan ko" pagsisinungaling ko.

Nagpatuloy kami sa pag lalakad at ng makarating na kami sa Cafeteria ay umupo kami sa may bandang dulo.

Umorder na rin siya gamit ang card ko. Ililibre ko nga siya tsk.

Nang makabalik na siya ay pinagmasdan ko ang mga binili niya.

Buti naman at hindi gaanoon kadami. 2 slices lang ng pizza ang akin at umorder naman siya ng carbonara niya.

Para kaming magkaaway habang kumakain dahil wala ni isa sa amin ang gustong mag salita at inuna namin ang pagkain..

"Ansarap nito Jani"

"Cheesy" sabi ko saka nag patuloy sa pagkain.

"Alam mo galit na galit ka sa cheese... Masarap naman eh"

"Daga ka kasi" pang aasar ko sa kaniya.

"Tikman mo kaya" Mabilis akong umiling sa kaniya saka saglit na nag smirk. "Dali na"

"Ayoko nga"

"Pag hindi mo tinikman ikaw ulit ang manlilibre" Ugali ba talaga niyang mangblockmail?

"Fine!" sagot ko saka umirap sa kaniya. Ibibigay na sana niya ang tinidor niya pero tumanggi ako. "Kukuha ako ng bago... May laway mo na yan eh"

"Para namang may rabies ako"

"Mukha"

Hindi ko na hinantay ang sagot niya saka ako mabilis na tumayo at naglakad papunta sa harapan para kumuha ng tinidor ko.

Pagbalik ko ay naupo na ako kaagad saka tumusok ng dalawang pasta.

"Damihan mo... Ikaw ata tung daga eh"

"Shut up Mr. Ramirez..." dinagdagan ko ang kinuha ko saka iyon itinaas para makita niya. "Ito na Okay?"

Masarap... Hindi ko inaakalang magugustuhan ko ang lasa nito. Sanay kasi ako na hindi kumakain ng cheese o kahit akong pagkain na may Cheese.

Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon