Kinuha ko na ang mga gamit ko saka isinara ang pinto ng sasakyan. Pinagpag ko ang damit at inayos ng bahagya ang buhok ko.
Tinignan ko ang relo ko at mahaba pa ang oras ko bago magsimula ang klase.
Nang makaalis na si Manong driver ay nag tuloy tuloy na ako sa paglalakad papasok ng elevator.
Pipindutin ko na sana ang button ng bumungad sa harapan ko si Nathan na hingal na hingal ngayon.
Nagsara ang elevator ng makapasok na siya. Tahimik akong pumwesto sa gilid, malayo sa kaniya saka niyakap ang libro sa may dibdib ko.
"Janica I'm sorry"
Awtomatiko akong napalingon sa kaniya ng marinig siyang magsalita. Ang matapang niyang boses ang naging dahilan para mapalunok ako ng sunod sunod.
Ilang beses ang naging pag kurap ko bago tuluyang makatingin sa kaniya ng deretsyo.
"I understand... Palagi mo siyang kasama kaya hindi malayong siya ang ipagtanggol mo kaysa saakin"
Tungkol na naman ito sa kaniya... Lagi siyang kasama.
"Kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya Janica"
"Hindi yun ang tingin niya..." pagtatama ko sa kaniya. Base sa tingin ni Ms. Jimenez sa kaniya ay kitang kita ko na hindi yun ang tingin niya. "Nahulog siya sa mga hawak at salita mo, naniwala siya sayo-"
"Hindi yun ang intensyon ko"
"Bakit yun ang ipinakita mo?" tanong ko kaya mabilis niya akong tinapunan ng tingin.
Humantong na naman kami sa puntong nag sasagutan kaming dalawa.
Itinatanong ko sa kaniya ang laman ng utak ko at sumasagot siya base sa sarili niyang punto.
Hindi namin alam ang posisyon ng isa't isa. Isang tuldok sa malawak na papel lang ang nalalaman ko sa kanila at ganun rin sila sa akin.
"Dahil yun ang akala kong magiging dahilan para bumalik ka" deretsyong sagot niya dahilan para magsalubong ang kilay ko.
Iniisip niya parin ako? Matapos niyang sabihin sa aking hindi niya ako minahal ay umaasa parin siyang babalik ako?
"Hindi mo kailangang gawin yun-"
"Pakiramdam ko ay kailangan ko..." pag puputol niya sa akin. Maliit ang espasyo ng elevator na ito kaya ilang hakbang niya lang ay nararamdaman ko na ang kuryente sa katawan niya. "Tapos na akong pagbigyan si Ramirez na makasama ka... Binabawi na kita"
"Ah! A-ano... H-hindi na ako sayo"
Tinakpan ko ang bibig ko saka lumayo sa kaniya.
Bakit ang tagal naman ng elevator na to?
"Hindi naman tayo naghiwalay Janica... In brief, tayo parin at akin ka parin"
Lumaki ang mata ko ng hatakin niya ako papalapit sa kaniya pero biglang nag bukas ang elevator kaya mabilis ko siyang itinulak saka ako lumayo sa kaniya.
Lalabas na sana ako ng hatakin niya ulit ako papasok sa elevator saka noya ulit iyon pinindot pabalik sa parking.
Anong trip niya?
"Papasok na ako!"
"Binabawi na kita Janica" puno ng awtoridad na anito.
"H-hindi pwede... Hindi parin tayo pwe-"
BINABASA MO ANG
Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)
Teen FictionPaano kung tuluyan tayong umibig sa taong hindi dapat? Kaya ba nating pigilan ang sarili nating mag mahal? Kaya ba nating ipaglaban ang pag-ibig natin kahit alam nating mali na sa umpisa palang o mas pipiliin nating itigil ito para ituwid ang pag ka...
![Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)](https://img.wattpad.com/cover/237552162-64-k740074.jpg)