Tutok na tutok na ako sa pinapanood kong movie ng marinig ko ang pag bukas ng pintuan kaya agad akong napalingon roon.
Bumungad sa akin si Mommy na kakarating lang galing sa trabaho.
Agad siyang nag tungo sa kusina matapos bumeso sa akin. Ihininto ko muna ang pinapanood saka siya sinundan.
"Naghanda po ako ng lunch... Nakakain ka na Mommy?"
"Hindi pa nga eh, Ikaw? Kumakain ka pa ba?" tanong niya habang abala ako sa pag hahain ng pagkain.
Tumigil ako saka inilapag ang plato at baso sa lamesa.
"Nakakain na nga po ako eh" nakangusong sabi ko kaya natawa na lang siya.
Hindi na naman ako masyadong busy ngayon dahil inaayos ko na lang naman ang mga gamit ko.
Umalis na ako sa kusina saka nagtungo sa sala. Nang makita ko ang ilang mga paper bags na nakapatong sa center table ay pinuntahan ko iyon at tinignan.
"Andami naman nito Mommy, para saan to?"
"Para sayo iyan... Buksan mo" aniya kaya agad kong binuksan ang mga iyon.
Mga dress ang laman ng ibang paper bags at ang huling paper bag ay nag lalaman ng kahon ng sapatos.
Para saan to? Di ko naman birthday... Di naman mataas ang grades ko 'dahil hindi na ako nag-aaral'
"Para san to Mommy?"
"Basta, isukat mo na lang tapos ipakita mo sa akin... Dali" excited na ani Mommy kaya agad akong nag tungo sa kwarto at isinukat nga ang mga iyon.
Marami ang mga ito kaya pumili na lang ako ng iteterno sa sandals na ibinigay rin ni Mommy para ipakita sa kaniya.
Pink mesh dress ito at saktong sakto ang fit sa akin. Lalong gumanda ito ng isuot ko ang Pink ankle strap heels.
Pakiramdam ko tuloy ay a-attend ako ng prom dahil sa suot ko.
Nag ayos ako ng kaunti para naman mas bumagay sa akin ang suot ko saka ako bumaba para ipakita kay Mommy.
"Ang ganda Mom-" nahinto ako ng biglang makita si Karl na naririto. "Anong ginagawa mo rito?"
Hindi niya ako sinagot sa halip ay ibinaling ang tingin kay Mommy saka siya ngumiti rito.
"Thank you po Tita" anito saka ako tinignan. "Tara na" Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.
Tinignan ko pa siya mula ulo hanggang paa. Naka black suit pa siya.
San ba to pupunta?
"Huh? Anong tara na ka dyan?" sabi ko saka binawi ang kamay sa kaniya. "Anong ginagawa mo rito?"
"Basta sumama ka sa akin" anito sa inayos ang suit niya.
"Sige na Janica ako na ang mag aayos ng gamit mo." narinig ko pang sabi ni Mommy.
Anong trip na naman to? Hindi talaga ako nagtitiwala rito kay Karl eh... Kinasabwat pa talaga si Mommy.
"Mommy?!"
Nagulat ako ng biglang umangat ang paa ko mula sa sahig.
Ang luko! Kinarga pa ako! Sunod sunod ko siyang hinampas sa balikat para maibaba ako.
"Bye tita" anito saka lumabas.
Nang makalabas na ay hinawakan ko ang baba siya saka iniharap iyon sa akin at pinanliitan siya ng mata.
BINABASA MO ANG
Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)
Ficção AdolescentePaano kung tuluyan tayong umibig sa taong hindi dapat? Kaya ba nating pigilan ang sarili nating mag mahal? Kaya ba nating ipaglaban ang pag-ibig natin kahit alam nating mali na sa umpisa palang o mas pipiliin nating itigil ito para ituwid ang pag ka...
![Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)](https://img.wattpad.com/cover/237552162-64-k740074.jpg)