Hindi gaanong traffic ngayon dahil maaga pa naman at wala pang gaanong sasakyan kaya mabilis akong nakarating sa pupuntahan.
Malapit na ako ng marinig kong mag ring ang phone ko, kaya inihinto ko muna ang sasakyan saka iyon sinagot.
"Hello Elle"
[Ninang!] malakas na bati ni Xyd sa kabilang linya kaya bahagya kong inilayo ang phone ko.
"Hello Xyd, how are you? Did you miss Ninang?"
[ I'm fine Ninang... Yes I missed you po.] bakas sa tono ng pananalita niya ang lungkot kaya medyo naawa ako. [I want to play with you Ninang]
Agad akong napangiti dahil sa sinabi niya.
Hindi na mahirap para saakin ang sundin ang gusto niya dahil nasa Pilipinas na naman ako.
"Xyd, pupunta ako dyan now... But don't tell mommy huh?"
[Okay po hihi! I'm so excited] mahina niya pang sabi bago ibaba ang tawag.
Ibinaba ko ang phone ko saka muling nag maneho papunta sa bahay nila.
Medyo malapit rin sa Condo na tinitirahan ko bahay nina Elle kaya hindi naman ako masyadong natagalan.
Nang makarating na roon ay dahan dahan akong nag lakad saka ako pinag buksan ng pinto ng isa sa mga kasambahay nila rito.
"Hey!" bati ko sa kanilang lahat.
"Ninang!" Patakbo pa akong sinalubong ni Xyd ng yakap kaya niyakap ko rin siya pabalik saka binuhat.
Kitang kita pa sa mukha ni Elle ang pagka gulat dahil sa nakita.
"Akala ko nasa france ka pa"
"Well... Di ka pa nasanay" sagot ko saka nag wink sa kaniya. "Tumawag rin sa akin si Xyd... Miss na daw niya ako eh"
"Kaya pala nag pabihis sa akin... Mag papalit raw siya ng dress"
Ibinaling ko ang tingin kay Xyd na karga karga ko. Naka ngiti lang siya sa akin kaya naka labas rin ang malalim na dimples niya.
" Big girl ka na"
"Yes Ninang... Pretty din po ako kagaya niyo" aniya saka hinawi ang hibla ng buhok niya.
Bigla namang nag iba ang ekspresyon ng mukha ni Elle dahil sa narinig.
"Rinig mo? like me daw hindi like you"
"Ewan ko sayo" aniya saka pa ako inirapan.
Ibinaba ko muna si Xyd saka lumapit kay Elle.
"Ipagpapaalam ko pala si Xyd... Ipapasyal ko lang"
"At saan mo naman dadalhin ang anak ko?" nag aalalang tanong niya.
Naalala ko tuloy nung huli kong itinakas ko si Xyd. Kasama ko pa nun si Karl.
Wala lang dinala lang namin ang anak niya sa park ng hindi niya alam... Tandang tanda ko pa ang itsura niya nung akala niya ay na kidnap na ang anak niya.
"Sa palengke, pabibilhin ko ng rekados" sarkastikong sagot ko.
"Luka ka talaga" aniya saka ako hinampas sa balikat.
"Girl syempre sa Mall! Kung meeon nga sana tong pasaporte edi nadala ko na to sa France"
"Andami mong kalokohan... Sige na ipagpapaalam ko muna kay Xave..." Aniya saka kinuha ang phone at tinawagan ang asawa.
BINABASA MO ANG
Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)
Teen FictionPaano kung tuluyan tayong umibig sa taong hindi dapat? Kaya ba nating pigilan ang sarili nating mag mahal? Kaya ba nating ipaglaban ang pag-ibig natin kahit alam nating mali na sa umpisa palang o mas pipiliin nating itigil ito para ituwid ang pag ka...