Chapter 25

55 7 0
                                    

Huminga ako ng malalim saka nagtuloy tuloy sa pag lalakad.

Hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako o aalis na lang dahil sa magkahalong kaba at excitement na nararamdaman ko.

Maliliit ang naging pag hakbang ko hanggang sa tuluyan na nga akong makarating sa opisina niya.

Nakasara iyon kaya mabagal kong ipinatong ang palad sa doorknob.

Itutuloy ko ba?

Huminga ako ng malalim saka tuluyang pinihit ang doorknob. Nagulat ako ng agad na mapalingon si Nathan sa pwesto ko.

Akala ko ay magagalit siya at papaalisin ako pero mabilis syang tumayo at lumapit sa akin saka ako hinatak at niyakap.

"Bumalik ka"

Tumango ako saka inilagay ang kamay sa balikat niya at nakangiting inilayo siya sa akin.

"Pag bubuksan mo parin ba ako?"

"Ofcourse... Ikaw lang ang hinihintay ko" napangiti ako ng hawakan niya ang magkabilang panga ko at ilapit sa kaniya.

Ilang sentimetro na lang ang layo namin sa isa't isa at nararamdaman ko na rin ang bawat pag hinga niya.

Akmang lalayo ako ng mabilis niyang inilapit sa labi niya ang noo ko kaya wala na akong nagawa kundi ang pumikit at ngumiti.

"I missed you, Love" anito bago tuluyang lumayo sa akin.

"I missed you too... Love"

saglit kaming nagkwentuhan sa loob ng opisina niya. Nag asaran, nagtuksuhan, at inalam namin ang mga nangyari sa amin simula ng hindi kami magpansinan.

Inamin ko na nahirapan at nasaktan ako sa nangyari. Wala na rin namang saysay kung itatago ko pa gayong halata naman pala.

Marami akong bagong nalaman sa kaniya. Maraming nangyari sa ilang buwang pag iwas namin sa isa't isa.

Napatayo ako sa kinauupuan ng marinig ang sunod sunod na katok mula sa labas.

"Ako na" anito saka tuluyang nag tungo sa pintuan para buksan iyon.

Halos umusok na ang tenga ko ng bumungad sa amin si Ms. Jimenez at akmang yayakap pa ito kay Nathan pero agad siyang nailayo ni Nathan dahilan para mapatigil siya.

Tsk here comes the linta.

"Anong ginagawa niya rito?" nang gigigil na tanong niya saka mariin na tumitig sa akin.

"Ms. Jimenez umalis ka na" utos ni Nathan pero hindi nag patinag si Ms. Jimenez at akmang lalapit pa sa akin pero kaagad siyang na harangan ni Nathan.

Tinignan pa niya ako mula ulo hanggang paa kaya ganun rin ang ginawa ko sa kaniya saka ko itinaas ang kilay.

"Nathan bakit mo ginagawa to?"

Bakas sa pananalita niya ang sakit pero anong magagawa ko kung ako naman talaga?

Hindi ko naman para ibigay sa kaniya ang alam kong akin.

"Please umalis ka na"

"Pero Nathan" aniya saka nagmamakaawang tumitig rito.

"Leave" maikli pero puno ng awtoridad na utos ni Nathan kaya miski ako ay kinabahan.

Sa puntong ito ay naawa ako kay Ms. Jimenez... Akala niya ay siya, simula pa lang... Akala niya ay istorya niya ito at siya ang bida.

Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon