Wala na kaming susunod na klase kaya balak ko muna sana ulit pumunta sa Cafeteria para mag meryenda.
Wala rin kasi rito sina Elle kaya mag isa akong aalis. Wala rin si Karl at wala akong balak alamin kung nasaan siya.
Umalis na ako at kinuha ang mga gamit ko para umalis. nagugutom na talaga ako!
Malapit na sana ako sa Cafeteria ng makasalubong ko si Mrs. Atienza kaya awtomatiko akong ngumiti sa kaniya.
"Good afternoon Mrs. Atienza"
Medyo bata parin itong si Mrs. Atienza pero may dalawang anak na at may asawang Arkitekto.
"Good Afternoon Ms. Yap... May ipapagawa sana ako sayo"
"O sige po.... Ano po yun?" tanong ko kaya lumapit siya sa akin saka hinawakan ang mag kabilang balikat ko.
"Alam mo naman ang opisina ni Mr. Jonathan Ruiz hindi ba?..."
Nako baka papuntahin pa ako. Ngumiti ako sa kaniya saka tumango.
"Pwede bang puntahan mo siya dun at sabihing ipinapatawag ko siya sa opisina ko?..."
"Ah s-sige po" akmang aalis na ako ng muli siyang humarang sa akin.
"Nandoon rin si Ms. Jimenez kaya tawagin mo na rin siya" dagdag pa niya saka ngumiti.
Tinanguan ko siya saka lumunok ng ilang beses bago tuluyang mag lakad papunta sa opisina ni Nathan.
Binagalan ko ang paglalakad dahil hindi pa ako handa at kinakabahan ako sa di malamang dahilan.
Maraming kung ano anong ideya ang pumapasok sa utak ko habang nag lalakad.
Kung paano sasagot sa kamalditahan ni Ms. Jimenez, kung paano sasapuhin ang akmang pag sampal niya at kung ano ano pa.
Nag reready lang naman ako! Mas mabuti ng handa!
Bumuo pa ako ng kung ano anong magagandang linya na ibabato sa kaniya kunsakaling magkasagutan na naman kami.
Nag tuloy tuloy na ako sa pag lalakad. Huminga ako ng malalim saka pinihit ang doorknob ng opisina ni Nathan.
Parang unti unting nawalan ng lakas ang buong katawan ko ng tumambad sa akin si Ms. Jimenez na nakaupo sa may lamesa ni Nathan at si Nathan naman ay nakatayo sa harapan niya.
Hindi ko alam kung dapat ko bang isipin ito o dapat ay isipin kong wala lang.
Hindi ko alam kung ano pa ang dapat kong gawin ng bigla akong makagawa ng ingay dahil sa pag singhot ko kaya mabilis silang napalingon sa akin at awtomatiko akong tumalikod sa kanila para punasan ang luha ko.
"M-ms. Yap" muli akong lumunok bago humarap sa kanila.
"S-sir... Ahm pinapatawag po kayo ni Mrs. Atienza sa opisina niya... K-kayong dalawa ni Ms. Jimenez"
Matapos sabihin iyon ay ibinaba ko na ang tingin ko habang hinihintay ang sasabihin nila.
Ilang segundo akong nakayuko ng mapansin kong mag kasunod silang dumaan sa harapan ko ng walang sinasabing kung ano.
H-hindi ba siya mag papaliwanag? H-hindi niya ako kakausapin?
Lalong bumigat ang pakiramdam ko dahil dun. Talagang wala na lang ako sa kaniya. Isang estudyante na lang niya ako at siya ang guro ko.
Nakayuko akong lumabas sa gusaling iyon. Hindi ko alam kung saan na pupunta.
Sinusundan ko na lang ang paa ko kung saan ako dalhin nito... Balisa at wala sa sarili akong nag lalakad habang hawak ang dalawang libro sa may dibdib ko.
BINABASA MO ANG
Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)
Novela JuvenilPaano kung tuluyan tayong umibig sa taong hindi dapat? Kaya ba nating pigilan ang sarili nating mag mahal? Kaya ba nating ipaglaban ang pag-ibig natin kahit alam nating mali na sa umpisa palang o mas pipiliin nating itigil ito para ituwid ang pag ka...