Inah's POV
Hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako o hindi... Kanina ay ayos na ayos ang pakiramdam ko pero ngayon ay nag dadalawang isip na ako.
Baka hindi maging maayos ang pag uusap namin...
Baka mag kagulo lang.... Pero hindi na pwedeng mag bago ang isip ko... Nandito na ako...
"Ano pong name maam?" Tanong ng Receptionist ng makapasok na ako sa lobby.
"Janica Yap"
Hindi na niya ako sinagot sa halip ay kinuha niya ang telepono at may tinawagan roon.
"Good day Ms. Janica Marisen Yap... May bisita po kayo." saglit niyang inilayo iyon at ibinaling sa akin ang atensyon na para bang nag tatanong ng pangalan ko.
"Inah Jimenez"
"Okay Ms... Pababa na raw po si Ms. Yap, pakihintay na lang po..."
Matapos niyon ay naupo muna ako sa couch na nandito.
Sa totoo lang ay kinakabahan talaga ako... Hindi ko alam kung saan uumpisahan ang paliwanag.
Sana ay magawa ko ng tama.
Mabilis akong napatayo ng makita ko siyang papalapit sa akin.
"What are you doing here?"Mataray na bati niya sa akin.
Hindi na ako nagulat... Ganoon talaga ang awra niya sa tuwing mag kikita kami.
Awtomatikong nag sasalubong ang kilay niya.
"I didn't come here to cause trouble... I'm here to correct what I did"
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa saka muling ibinalik sa akin ang nanlilisik niyang titig.
Kung nakakasunog lang ang mga titig na iyon ay kanina pa ako abo.
"Too late Ms. Jimenez... Malaki na ang naging epekto ng ginawa mo... Sa tingin mo ay mababago pa iyon ng sorry mo?"
Alam kong hindi... Inaamin ko.
"I understand that even if I say sorry, it will not change anything. But can you listen to my explanation first?"
"Take a sit..." Maawtoridad na utos niya.
Hindi parin siya nag babago... Kung paano siya makipag laban ay ganoon parin.
"Magkaibigan kami ni Nathan... Sampung taon, basura ako kung ituring noon pero iba si Nathan sa kanila... Dahil itinuring niya akong importante sa kaniya"
Mabilis kong kinuha ang mga gamit ko bago pa lumapit sa akin ang mga maaarteng iyon na kala mo kung sino.
Nadala na ako... Pinunit at nawalan ng silbi ang buong magdamag kong pinagpaguran...
Wala naman akong kaibigan... Ganun naman kasi talaga, pag walang saysay sa kanila ay ibabasura na lang nila... Manggagamit.
"Wala kang kasabay?" Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig kong kausapin ako ng lalaking naka salamin...
Hindi ba siya nandidiri sa akin? Bakit niya ako kinakausap?
"Ah ano w-wala" Nauutal kong tugon.
Mabilis akong napaisod ng umupo siya sa tabi ko at ihain roon ang mga pagkain niya.
"Sabay na tayo... Nathan" pakilala niya sa sarili saka inalok ang kamay sa akin.

BINABASA MO ANG
Forbidden [Milestonian Series 2] (COMPLETED)
Fiksi RemajaPaano kung tuluyan tayong umibig sa taong hindi dapat? Kaya ba nating pigilan ang sarili nating mag mahal? Kaya ba nating ipaglaban ang pag-ibig natin kahit alam nating mali na sa umpisa palang o mas pipiliin nating itigil ito para ituwid ang pag ka...