{Victory}
"Tapos ano pang nangyari." sambit ni Reign sa kabilang linya.
Weekends ngayon kaya sa bahay na lang ako nanatili tutal ay tapos ko na ang mga papeles na para sa isang linggo. Ipinagkatiwala ko muna sa secretary ko ang ibang mga gagawin.
"Wala naman na bukod sa pass the message na nangyari."
Ikinuwento ko kasi sa kanya yung about sa halik ni Axel nung nagkasakit ako. Kinulot kulot ko pa ang dulong parte ng aking buhok dahil sa naisip. Landi lang ng lola niyo.
"Pokpok ka!" sabay kurot niya sa tagiliran ko
Natawa ako sa sinabi niya.
Nagtaas siya ng kilay while looking for a new prospect.
"Saan kaya natuto yung asawa mong lumandi ano? Habang patagal ng patagal maski ako'y kinikilig." ani niya na parang nagpipigil.
"Siyempre san pa ba edi sakin." pagmamayabang ko na may kasamang pag irap kahit na hindi ako nito kita.
"Ano masarap ba?"
Napapakagat labi ako at napapatuktuk sa table dahil sa naging katanungan niya.
Hindi rin naman nagtagal ang pag uusap namin. When Mom exactly calls.
Tila napuno ako ng isipin. Umalis kasi ang mga katulong. Hindi ko sila pinalayas ha. Sila ang nagkusa nadaan sa pitik.
"Mom, bakit mo naman inalis ang mga maid namin?" marahan kong sambit. Ng maalalang wala na pala akong aasahan sa pamamahay.
Nakinig ko pa ang pagtawa nito sa kabilang linya. She's not taking this seriously again.
"Darling, of course, para bigyan kayo ng asawa mo ng oras." she always has reasons behind her schemes at talagang nakakainis na.
"Paano kung yung dapat na oras namin dalawa ay kinakain pa ng lintek na gawaing bahay."
"Watch your words young lady!" she hissed
"Well, kasama yun sa pag aasawa anak, matanda ka na paano na lang kung mag kaanak kayo? Hindi ka marunong maglinis ng bahay at maski isang luto walang kang alam."
I rolled my eyes. She's ruining my image.
"Axel can cook Mom. At asawa ang hanap niya hindi katulong." pag didiinan ko pa
"I apologize then." nakahinga ako ng maluwag
"Pero wala ka ng magagawa and besides babalik balik naman diyan si Yaya Mel. Maybe dalawang beses in a week."
Na mabilis ding natapunan ng pagkairita.
"Kagagaling ko lang sa sakit tapos imbes na ipahinga ko maglilinis pa ako ng bahay? And mind you It's a mansion!"
"I'm really sorry Darling. I just heard from someone na inalagaan ka daw ni, Axel. I thought kung wala ang mga katulong ay baka mas magkaroon kayo ng bond."
"But-"
"Sige na Darling at nandito na ang mga bisita, tatawagan na lang kita ulit. As for now bahala ka na muna sa sarili mo. Take care..." napabuntonghinga ako ng ibaba na niya ang tawag.
Wala na rin naman akong nagawa. Nakailang hilot pa ako sa sentido bago sinimulan ang paglilinis. Nagsimula ako sa taas pero siyempre yung kwarto lang namin ni Axel at baka ikamatay ko pa kung buong mansiyon ako ang maglilinis.
Pagkatapos makapagpalit ng bedsheet at punda ng unan ay nag spray ako ng ambi pur. O di 'to sponsored ha.
Napabahing ako ng pasukan ako sa ilong. Raming alikabok.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Rebound Wife ( Arrange Marriage Series # 1) COMPLETED
RomanceCisca Sumatutina Estefania is forcibly married at a young age to a young billionaire namely Axel Tirso Dela Mercedes. Who she marries for convenience. Hindi maganda ang relasyon nila sa kanilang pagsasama. Subalit pagtagal ay nagkaroon sila ng kasun...