Chapter 27

1.6K 36 14
                                    

A/N: You can play any music as a background para mas maganda.

{Decision}

Halos mapapiksi ako sa sakit ng dahil sa sampal niya. 

Hindi pa nga ako nakakagalaw sa pagkabigla ay nasampal niyang ulit ako sa kabila pang pisngi. Ang hapdi nun dahil pati bagang ko'y nanigas sa ginawa niya. 

I was still shock on her sudden slap. Hindi ko mapigilan magalit at mapatanong. Wala siyang karapatang sampalin ako. Nanginginig ang kamay ko sa kagustuhang makaganti. Pero nasapawan niya ang galit ko.

"You slut! You don't deserve him!" she spat words na parang ako ang dahilan ng lahat ng galit niya

I can see how angry she is lalo na ng ituro turo niya ako. Matapang at walang ka emoemosyon ko naman siyang tinitigan pabalik at hinayaang magsalita.

"Isa ka pa rin ba sa babae niya?" tanong ko na nang aasar. 

Sawang sawa na sa mga ganitong bagay. I brush my hair and smirk. Kita ko ang pagkairita sa mukha niya.

"So you're aware?" tumingin siya sa ayos ko at ang bar na nilabasan "Nagawa mo pang mag inom? You're really something aren't you?"

Hindi ko na mabatid ang gusto niyang ipahiwatig. E ano bang pakealam niya sa away namin gayung isa lang siya sa mga babaeng umaaligid sa asawa ko.

"Ano bang pinuputok ng buchi mo? Hindi naman ikaw ang asawa," 

Nangingilid ang luha niyang tumango.

"Kung sabagay hindi ko siya masisisi kung sa maduming babae siya natali hindi b-?" at oras na banggitin niya yun ay napatid na ang pasensiya kong kanina pa hinahabaan. Rage consumed every bits of my patience.

I was confused pero mas nanaig sa akin ang galit sa ginawa at sinabi niya kaya ng makakita ako ng bote ay walang alinlangan kong hinampas yun sa pader kaya nabasag ang katawan nito.

Itinutok ko ang basag na parte sa mukha niya habang hawak hawak ang nguso ng bote. Napaatras siya sa ginawa ko. My hand is all red with the blood rushing throughout the fleshly open wound.

She gulp but still faking to be brave. "Ano sasaksakin mo ako? Hindi ba't totoo naman, you're making him miserable!"

"Kaya pala nakakapambabae pa!" my fury sprang to life

Aakala ko magkukuwala din siya but to my surprise her voice shrieked as she cried.

"You're not deserving of anything from him. His company is going to bankrupt because of you." natigilan ako sa huling sinabi niya. Wala akong alam sa sinasabi niya. Ngunit sa isip ko ay may na hihinuha na ako. 

"Hindi totoo yan!" sumbat ko at nanlilisik ang matang tinutukan pa siya lalo. 

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. I'm trying not to give a shit about her. Siya ding gumagawa ng dahilan para mas lalo kong ituloy ang ginagawa ko.

"E, ba't niya sasabihin sayo kung siya mismo nandidiring tabihan ka! Kung wala lang talaga siyang utang na loob sa pamilya mo he wouldn't want to even see your disgusting face... kasi kaladkarin ka! At dapat talaga nagahasa ka na!" 

Hindi ko alam kung anong nangyari pero nagdilim ang paningin ko sa kanya. Sumosobra na siya. I don't care if her family needs her kung ganito siya aasta sa akin.

Hinila ko ang buhok niya at sinabutan gamit ang libreng kamay. "You stupid bitch!" bulyaw ko at pilit niyang inaalis ang kamay kong mahigpit na sumasabunot sa kanya.

"Walang kang alam kaya manahimik ka!" napapapiyok kong sigaw dahil sa pagpatid ng pasensiya ko. 

Sinampal ko siya gamit ng dumudugo kong kamay. At namula naman agad ang pisngi niya. Napa daing siya sa sakit.

Billionaire's Rebound Wife ( Arrange Marriage Series # 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon