{Ecstatic}
Isang malaking sampal sa akin ang nangyari sa una naming date. Kahit na sabihing humalik siya pabalik. Maybe it's just a matter of lust. Yun ang bumaon sa utak ko ng buong gabi.
Masisi niya ba ako kung ganun ang iniisip ko. Kung yun ang naging istilo ng aming simula.
"Yes, I'll be there."
Dinig kong sabi niya sa kausap sa telepono. Na wari ko'y sa trabaho niya yata. Siguro ay aalis siya dahil naamoy ko ang halimuyak ng kanyang panlalaking pabango.
Hinihiling ko tuloy na sana ay huwag siyang tumuloy at manatili na lamang.
Pagkatapos kasi ng nangyari kagabi. Natulog lang kami at di nagkibuan. Nababaluktot na naman yata ang utak ko sa pagkairita dahil sa tumawag sa kanya. Di ba pwedeng hintayin na lang nila boss nila.
Ni ako nga di ko inabala sarili ko sa trabaho dahil ay gusto ko sa kanya lang atensiyon ko. Wala na bang mas isasama pa 'tong vacation date na 'to? Kainis lang ha.
"Hey,"
Para namang nahugot ko ang aking paghinga ng umimik siya saking likod.
At biglang ipinatong ang palad sa aking balikat. Gusto kong alisin ang kamay niya pero di ko ginawa. Iba kasi ang hatid ng paglapat ng palad niya.
Nanatili naman akong nakatalikod. Pilit na nagpapatay malisya. Nagkukunwaring walang nakinig. Pagkatapos na rin ng nangyari ay sumama ang pakiramdam ko ngayong araw. Wala naman akong sakit. Kung baga yung mood ko ang problema. Naka kaimbyerna.
"There's food here." aniya niya sa mahinahong paraan ng hindi pa rin ako umimik.
Umirap ako. Edi kumain siya kung nagugutom siya. I heard his sighs.
"Eat your breakfast, bagay nagutom ka. May pupuntahan lang ako."
Ibig sabihin lang aalis nga siya. Akala ko ba mananatili lang siya. O ako lang ang nag assume.
"But be assured na babalik din ako before lunch."
Hindi naman ako kumibo. Galit ako sa naging desisyon niyang pag iwan sakin. Ngunit meron sa loob loob kong naniniwalang babalik siya tulad ng sinabi niya.
Hinalikan niya muna ang naka exposed na balikat ko atsaka bagsak balikat siyang tumayo paalis sa aking likod. Ramdam ko ang paunting pagtayo niya sa kamang hinihigaan.
Nung hindi ko na siya maramdaman ay umayos na ako at napaupo Napasuklay pa ako sa buhok. I feel exhausted. Maga ang aking mata gawa ng pag iyak. At masakit ang lalamunan.
Tiningnan ko naman ang sahig na naarawan sanhi ng nakaawang na bintana. Parang nawalan ako ng gana ngayon.
Ano bang problema ko? Bakit ba ako nagkakaganito? Hindi naman ako ganito dati. I should be the no care type. But seeing my state. Ang laki ng pinagbago ko. Nalulunod ako sa sarili kong kagagahan.
Ayoko namang magmukmok na lamang sa loob. Kaya nilapitan ko yung pagkaing nakahanda sa may side table. Kahit na walang kagana gana ay pinilit kong kumain.
Pulos side dish ang inupakan ko. Yung bake potato wedges ang pinakang nagustuhan ko. Inabot ko naman gamit ang paa ko yung remote nung TV atsaka binuhay. Nakailang minuto pa ako bago nakapamili ng panunuodin.
Nung una maganda. Nung tumagal nakaka boring. At kahit manuod pa ako parang wala lang ring pumapadok sa utak ko. Lutang pa yata ako. Iling iling ko naman din itong pinatay. At mas maigi na ang katahimikan na silid.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Rebound Wife ( Arrange Marriage Series # 1) COMPLETED
عاطفيةCisca Sumatutina Estefania is forcibly married at a young age to a young billionaire namely Axel Tirso Dela Mercedes. Who she marries for convenience. Hindi maganda ang relasyon nila sa kanilang pagsasama. Subalit pagtagal ay nagkaroon sila ng kasun...