{Communicate}
Sakto at lingo ngayon wala ding pasok si Axel. Kaya ang plano namin ngayon ay maglinis. Di ko kasi nalinis lahat. Alangan naman ako lang diba. Discrimination na yun against women and children.
Kidding OA lang!
Iba na ang panahon ngayon. Hindi na pang gawaing bahay ang mga babae.
Tayong mga ababaihan ay dapat matuto tayong kumilos para sa sarili natin. Hindi yung hihintayin mo pang saklolohan ka kung kaya mo naman. Pero hindi ko sinasabing mali na ang humingi ng tulong.
What i mean is that kung kaya mo naman ba't aasa ka pa sa iba? Ano ba tong mga pinag sasabi ko. Na LSS kasi ako dun sa Sit still look pretty.
"Uy paabot nga nung dust pan." nakikisuyo kong sita dahil mas malapit siya.
Ibinigay naman niya. Pero hindi man lang siya nag abalang tapunan ako ng tingin. Siguro ay galit dahil nabitin.
Natatawa man ay ipinagpatuloy ko ang ginagawa. Binago din namin ang lagay ng mga gamit. At nagbawas ng mga di kinakailangan. Ibibigay na lang sa charity. Natapos namin yung taas ng tahimik at walang imikan.
Ng makababa na kami. Parehas naming naisipang magpahinga na muna. Dahil nakakapagod din ang maglinis. Kinakati na nga ako eh. Siya yung taga ipud nung mga gamit samantalang ako yung taga walis at dakot.
Awan ko kung bakit ayaw niya ipagamit yung vacuum. Aniya niya pa ay para daw makatipid. Sa rami niyang pera saan niya gagastusin yun!
Nagtataka man ay kumuha lamang ako ng isang pitsel ng tubig at nagsalin para sa aming dalawa. Dumantay ako sa bar table tapos uminom ng tubig. Nakita ko siyang ipinatong ang kagamitan.
My eyes widen a fraction.
Halos mabulunan ako ng makitang dahan dahan niyang hinubad ang suot na shirt. Shit may natapon konti sa aking tshirt kaya agad akong humarap patalikod.
Baka sabihin niya pinagplalawayan ko siya. Psh, kahit konti lang naman.
Nakita ko yung reflection niya sa glass na malapit sa akin. Kaya ang ganda ng view sa katawan niya ng hindi napapansin. Nagsunod sunod tuloy ang lagok ko ng makita ang bulubundukin niyang tinapay.
Napapahagikhik ako sa sobrang pagnanais na mahawakan. Hinawakan ko ang pisngi ko dahil parang nag init yata. Namalayan ko na lamang nakalapit na pala siya. Di ko alam kung haharap ba ako o mananatiling nakatalikod.
Tumikhim siya kaya napayuko ako ng hindi alam ang gagawin.
"Hey.." napasinghap ako ng dumait sa aking likod ang mga pandesal niya.
Napakagat labi ako at dahan dahang humarap.
His brows shot up as his gaze drift towards me.
Pumikit pa ako dahil feeling ko papalapit ng papalapit yung labi niya.
Idinilat ko pa ang isa kong mata ng nanatili lang siyang nakatapat sa mukha ko. Pigil ang bawat paghinga ko dahil baka makinig niya ang malakas na pagrambol ng dibdib ko.
"Anon-" di pa man natatapos ang sasabihin ko ay dumulas na ang kamay niya sa akin. Or you can say napadaan sa akin. Atsaka ko lang narealize na kukunin lang pala niya yung tubig sa likod ko.
Para naman akong napahiya sa inasal ko. Kaya mas lalong namula ako pero hindi na dahil sa kilig kundi dahil sa inis dahil sa pagkapahiya.
Galit man ay nakikita ko sa gilid ng mata ko ang mga pigil na ngiti niya na akala mo ay nakabawi na siya. Humanda ka sa akin di ko palalagpasin ang ginawa mong lalaki ka.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Rebound Wife ( Arrange Marriage Series # 1) COMPLETED
RomanceCisca Sumatutina Estefania is forcibly married at a young age to a young billionaire namely Axel Tirso Dela Mercedes. Who she marries for convenience. Hindi maganda ang relasyon nila sa kanilang pagsasama. Subalit pagtagal ay nagkaroon sila ng kasun...