{Offer}
Tumigil ako sa pintuan kung saan nandun sila. Huminga muna ako ng malalim para kumuha ng lakas.
Nanginginig man ang kamay kong buksan ang seradula ay pinilit kong magpakatatag.
Napatakip ako ng bibig ng makita ang matandang nakahiga at maraming nakasalpak sa katawan.
"Cita, apo..." naiiyak na puna ni Lo habang nakahawak sa kamay ng asawa kaya lumapit ako at niyakap ito.
"Lolo anong nangyari? Gino?" baling ko kay gino na ngayon ay nakatingin na lang din sa matanda nakayuko.
"Inatake ulit siya. Sinabihan ko na siyang huwag ng lumabas pero nagpumilit."
Umiling ako at pinalis ang luhang nagkakalat sa pisngi ko.
Kumalas ako sa yakap at lumapit sa pwesto ni Lola. She looks peaceful. Her skin was already pale. Lalo lang namutla kagagawan ng mahinang puso.
Napalingon ako ng may pumasok sa loob. Pumasok ang may edad na lalaki at matamang tumingin sa akin. Sending signal na sa labas mag usap.
Agad kong inayos ang sarili ko at lumabas kasama ang doktor. Ayokong marinig nila ang anumang pag uusapan.
Matanda na si Lo at ayokong tulad ni Lola ay atakihin siya sa mga problemang maari pang malaman.
Tahimik ako at nakayuko, hirap na lunikin ang mga sinasabi sa akin ngayon ng doctor.
"Matanda na ang Lola mo ija, kaya maipapayo ko lang sayo ay ang lumuwas kayo ng lungsod at ng maipagamot siya sa lalong madaling panahon.," tipikal na suhestiyon ng mga doktor.
In nervousness, I bit my nails.
"Doc, magkano po ba ang kakailanganin sa operasyon?" pursigido kong tanong. I see that he's hesitating but it's his duty to do so.
Ng masabi na ang lahat ng dapat ay tinapik na lamang ako nito sa balikat bago ako tuluyang iwanan.
Napaupo ako sa sahig dahil sa panlulumo. I brush my hair and shot my eyes off.
San ako kukuha ng ganun kalaking halaga? E kahit magbenta ako ng laman loob ko ay hindi yun sasapat.
At ganun ang nangyari pagkatapos ng ilang araw. Tulog pa rin si Lola kaya halinhinan kami ni Gino sa pagbabantay sa dalawang matanda.
Ayaw pa sana ni Lolo kung hindi ko lang pinilit. I don't know what will i do kung parehas ko silang makikitang ganun.
Hindi ko kakayanin. They are my family now. Kaya gagawin ko ang lahat para protektahan sila. Hangga't kaya ko.
Nakapagdesiyon na ako. Luluwas kami agad para makapagpagamot. Sa ngayon ay hindi ko pa sigurado kung tama ba ang magiging desisyon ko.
Pero kung yun na lang ang natitirang paraan ay lulunukin ko ang anumang mangyayari sa akin.
"Tell me, what are you planning?" si Gino na nakaupo sa dulo ng higaan.
Tinutulungan akong mag gayak ng mga damit. He already insist na sumama sa amin. Tinanong ko siya kung papaano ang trabaho niya ay hindi niya ako sinasagot.
Inayos ko naman ang mga hanger na nagkalat sa sahig.
"Sinabi ko na diba sayo yung sinabi ng doctor."
"And?"
"Kaya aalis tayo para lumuwas at maipaopera si Lola." tinulungan ko na siya sa pagtitiklop ng mga nilalagay sa bagahe. Ang bagal kasi.
"What I mean is, san ka kukuha ng pera?"
Tumigil ako at buong atensiyon siyang binalingan.
"Hindi ko alam okay?" I heave a sigh.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Rebound Wife ( Arrange Marriage Series # 1) COMPLETED
RomanceCisca Sumatutina Estefania is forcibly married at a young age to a young billionaire namely Axel Tirso Dela Mercedes. Who she marries for convenience. Hindi maganda ang relasyon nila sa kanilang pagsasama. Subalit pagtagal ay nagkaroon sila ng kasun...