Chapter 35

1.8K 33 4
                                    

{Bored}

Ilan beses ko ng pinaikot ang ballpen sa daliri. Pagkahulog pulot sabay ganun ulit. A dull repetition. Kinalikot ko ng lahat sa ibabaw ng desk. At naghintay sa pagbukas ng pinto. 

And the next hour, wala pa rin. 

Tumingin naman ako sa tambak ng papeles kaganina. Natapos ko na yun.  Kaya naka antabay ako sa sunod na trabahong iaatang sakin. 

I even finish having a concise conversation with the boards of directors. Maigi na lang at napaghandaan na namin ni Axel ang mga maaring maging tanong. 

May nagalit siyempre. Di naman maiiwasan yun, balak pa nga sana ni Axel na paikutin sa daliri niya ang mga 'to ng pigilan ko siya. I can't let him conceal and handle everything. Every time na madedehado ako, lalo na't alam ko namang may magagawa ako.  

Ang bilis nga e, alas tres pa lang naman ng tanghali at hindi naman ako napagod agad. 

I stare at the ceiling and it stuck terribly. Na pati ang malinis na silid ay hindi ako magawang pasiyahin.

Masyado na ba akong sabik kaya natapos ko kaagad? 

I snort. Marahil ay nasanay ako sa mabibigat na trabaho. 

Kung dati pagod na ako sa mga tambak na papeles. Ngayon namang naisalang ako sa hamon ng buhay sa labas ng nagtataasang imprastraktura, nakasanayan kong magbanat ng buto sa mga pinapasukang trabaho.

Tagahugas ng pinggan. Side job sa paglilinis ng salon. Manikuristang taga hilot.  Bartender, katulong, hardinera, panadera. Tapos taga deliver ng order, gamit ang hiram na motorsiklo.

At hindi pa kasama dun ang mga walang kasiguraduhang trabaho sa gabi.

Napapaisip tuloy akong pahirapan ang sarili ng husto. Gusto ko kasi pag uwi namin ay makatulog din agad ako tulad ng unang gabi naming magkasiping.

Lalo na't mas mahirap magpigil. Alam kong may paninindigan at pinanghahawakan akong pangako sa sarili. Pero iba pa rin kapag temptasyon na mismo ang kaharap.

Pumalumbaba ako bago binalingan ang pinto kung saan tahimik siyang nagtatrabaho.

I blew some strands of my hair in boredom. 

I tap my fingers in my lap. At tamad na isinandal ang likod sa swivel chair at parang batang nagpaikot ikot dun.

I need to divert my attention. Baka tuluyan na akong lumubog sa kahihiyan kakaisip ng nangyari kaganinang umaga.

Bakit kasi saka ko lang narealize kung gaano ka awkward yung ginawa ko. "Kainis!" napapapikit pa ako ng mariin at pumadyak sa sobrang kahihiyang natamo.

Napahawak ako sa magkabilang pisngi ng maalala ang ginawa. 

Shit, nakakahiya. Dapat nagpasalamat na lang ako. Ba't ang landi landi may payakap yakap kapang nalalaman. Kainis.

I stood up pulling down my pencil skirt and confidently walks out of the office. Hindi ako mananatiling tahimik hangga't di ako nakakatikim ng sariwang hangin sa labas. I feel suffocated. 

Kapag hindi pa ako lumabas ay tuluyan kong pasukin siya sa silid niya. The hell! I mean baka tuluyan na a-akong magpaalam sa kanya at maabala ko siya. Right, yun talaga yun.

Billionaire's Rebound Wife ( Arrange Marriage Series # 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon