{Hate}
I yawned in a nasty way. The gentle wind blows some strands of my hair. Making me shiver in the chilly morning. I rub both of my hands with the lack of warmth.
Gusto ko pa sanang matulog pa. Ngalang kailangan kumilos agad.
Napakamot pa ako sa pisngi pagkatapos alalahanin ang mga babayaran ngayong araw.
Todo iling ng itali ang buhok kong sabog sabog. Ang lagkit pa nga. Sabon lang ang ginamit ko, naubos na kasi yung nasa sachete na binili ko.
Mamaya na lang ako poproblemahin. Sa ngayon ay kailangan munang kumain. Mahirap mag isip ng gutom.
Alas kwatro imedya pa lang naman kaya konti lang ang taong nakakasalubong ko. Buti naman. Wala pa ako sa mood makipagplastikan.
Nabasa pa nga ang tsinelas ko ng ibubo ang tubig sa isang tarangkahan. Ang bastos lang! Napa angat naman ng tingin ako sa nagbubo.
"Magandang umaga Cita!" tanaw sa akin ng kapit bahay namin
Mabait naman yan. Mahilig lang sa balita, tsismosa. Buti na nga lang at binati niya ako, balak ko pa sanang magreklamo. Sa kanya nga ako nakakakuha ng balita sa t'wing napuputulan kami ng kuryente.
"Magandang umaga din po, Tita Annie."
Tumawid na ako para makapunta sa kabilang kalsada kung saan naroon ang paninderya. Napapa isip tuloy ako kung anong dapat kong pagkaabalahan ngayong sabado.
"Tao po!"
Asan kaya yun? Sumilip pa ako sa loob bago sumigaw ulit
"Tao po!" tawag ko ulit ng mapagalaman ng nagbabantay ang presensiya ko.
"Budong nga po," abot ko sa singkwenta pesos, nagkukusot pa 'to ng mata bago harapin ako.
"Ilan?" tanong niya pa, ng makita ako ay biglang nanlaki ang mata nito.
Ngumiti naman ako ng pagkatamis tamis.
"Cita, ikaw pala!" saad ni Aling Bebang.
Isa yan sa mga inuutangan namin kaya malaki pasasalamat ko. Isama na ang ngiti sa labi ko. Nakakahiya nga sa kanya e.
Kaya minsan pinaghuhugas ko na lang sila ng plato kapag punuan ang karinderya nila.
Paninderya sa umaga karinderya sa tanghali. Hindi naman na ako nagpaligoy ligoy pa dahil sayang sa oras.
Ng makabili ako ay nakipagkamustahan pa ako sa mga kapitbahay naming nadadaanan siyempre isa sila sa mga nautangan ko at ang iba ay kaedadan ko.
Naabutan ko pa silang nakauniporme, duty siguro kaya maagap. Pati sabado ay may trabaho.
Ganun din naman ako nagkataon lang na napaalis ako sa kasalukuyan kong pinagtatrabahuhan sa weekend. Kaya maya maya lang ay maghahanap ako ng bagong pagkakakitaan. Nahihiya naman akong magtanong kung pede nila akong ipasok kasi lagi din akong napapaalis.
Madalas kasing atakin si Lola kaya lagi akong nasisisante ni kesyo paalis alis ako sa oras ng trabaho.
Kasalan ko ba yun? Sa may saket si Lola. Emergency nga diba?
BINABASA MO ANG
Billionaire's Rebound Wife ( Arrange Marriage Series # 1) COMPLETED
RomanceCisca Sumatutina Estefania is forcibly married at a young age to a young billionaire namely Axel Tirso Dela Mercedes. Who she marries for convenience. Hindi maganda ang relasyon nila sa kanilang pagsasama. Subalit pagtagal ay nagkaroon sila ng kasun...