{Bar}
Nakauwi na kami pagkatapos ng appointment namin sa doctor. After the panic attack ay hindi siya nag atubiling tinawagan ang family doctor niya.
Pagod ang katawan at isip ko kahit nakaupo lang naman ako at kinakausap. Tila ba'y isa akong saranggola na kapag napabitiw ay kung saan na makakarating. Kung hindi lang niya ako naantabayanan.
"She's fine now, just make sure na huwag kalimutang inumin ang gamot." sinipon kasi ako pagkatapos ng nangyari.
Alam kong hindi ako makausap ng maayos nitong nagdaan. Tahimik at nakatahip ang bibig sa tuwing may kumakausap. I don't feel talking to them. Ayokong manatiling mag isa sa silid. Kaya mas pinili kong lumabas at pumuntang hardin.
Umupo na lamang ako sa pantatluhang upuang kahoy.
Ang buhok ko ay tulad ng mga bulaklak na sumasayaw sa ritmo ng hangin. My face stiff as my eyes pierced to my feet. His voice echoed to my ears.
'Just hold a little longer.'
Hindi ko mapagkailang nakaramdam ako ng pag asa sa sinabi niya. Pero mas matimbang ang sakit na nananalaytay sa buong sistema ko.
I hope the pain eases away already. Kahit sandali lang.
Mabilis kong pinalis ang nagbabadyang luha bago pa man mag unahan sa pagdausdos. Kita ko ang peklat mula sa pag kakatali sa palapulsuhan ko.
I sighed before entering back. Paakyat na ako ng saktong pababa si Axel. He looks tired again. Napunta ang tingin niya sakin pagkatapos magkusot ng mata.
"Nag almusal ka na?" tanong niya na hindi ko pinasin at nagpatuloy sa pag akyat.
Nakakabwisit ang mga ipinapakita niyang pag aalala. Tapos kapag nabihag na ako he does he's cold treatment. Mambabae na siya or maybe file a divorce and list goes on.
Hinablot niyang ang palapulsuhan ko. Muntik ng tumama ang nuo ko sa dibdib niya. Tiningnan ko siya ng walang kabuhay buhay.
"Kumain na muna tayo," mariin niyang sambit at ang mga mata'y mapungay na tumingin sa akin. Sure he's an angel in disguise.
Marahas ko namang kinuha pabalik ang kamay ko. His lips parted.
His brows furrowed. "Sasabay ka sakin o ako mismo ang magpapakain sayo sa kwarto mo?" hamon niya pa
Hindi ako nagkumento at imbes ay tinalikuran siya. Dumiretso papuntang kwarto.
Inis na nagtalukbong ng kumot pagkatapos isara ang pinto. Hindi naman siya makakapasok kaya kampante ako.
Kung anuman ang gusto niyang mangyari ay hindi siya magtatagumpay. And i'll make sure of that.
Ang kaninang pagiging kampante ko ay napalitan ng pait at inis sa kanya. Of course he has spare keys. Ang kulit lang.
I tried to sleep but the goddamn cheater is making a fuss again and again
"Kainin mo na 'to bago pa lumamig,"
Walang pasabi talaga siya kung pumasok. The hell with him!
Hinipan hipan niya pa 'yon na kinikilatis na baka mapaso ako kung sakali. How ironic na nagagawa niya 'to para hindi ako masaktan after hurting me. Comparing it, mas bearable ang hapdi ng lugaw kumpara sa mga ginawa niya.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Rebound Wife ( Arrange Marriage Series # 1) COMPLETED
RomanceCisca Sumatutina Estefania is forcibly married at a young age to a young billionaire namely Axel Tirso Dela Mercedes. Who she marries for convenience. Hindi maganda ang relasyon nila sa kanilang pagsasama. Subalit pagtagal ay nagkaroon sila ng kasun...