Chapter 9

2K 38 7
                                    

{First step}

Ngayon ko naisipang isa papel ang una kong plano. At sa pagdilat ko pa lang ay tumindig ako sa aking pagkakahiga at yumukod para kunin ang kwadernong  itinago ko talaga sa ilalim ng kama namin. 

Siyempre kailangan kong itago iyon para hindi niya makita. At baka maagap na mabulilyaso ang aking plano. Dito ko inilalagay lahat ng mga bagay na naiisip kong paraan. It is well written in the  pages. Nag sariling sikap talaga ako para mabuo ito. At inabot pa yata ako ng ilang oras para dito.

Sumali pa nga ako ng mga marriage seminar eh. 

The first tip na nakuha ko pa sa mga websites is that to;

'Make him feel needed but not needy' Yun ang unang tip na nakuha ko. At mukhang magiging madali naman yun. It says that men likes to feel needed. Although I am an independent woman. But it is not bad to take a try right? Tutal wala namang mawawala. 

Dumungaw ako malapit sa bintana at maingat na sumilipsilip habang pilit na tinatabunan ang mukha gamit ang berdeng kurtina. Asan na yun?

Hindi ko nga kasi siya naabutan kaganina. Ang alam ko maagap siyang nagising dahil nagawa niya pang magluto ng breakfast. Bakit mukha akong stalker sa ginagawa ko. Nah, ito ang sinasabing kung gusto may paraan at yun ay galingan sa pakikipaglandian.

Mukhang parami na ng parami ang motto ko sa buhay ah! Nakakaproud naman ng sarili. Nakabungisngis tuloy akong pumasok ng cr ng hindi natatanggal ang ngiti. 

Bago bumaba ay nag ayos na muna ako. Dahil siyempre dagdag points din yun. Tiningnan ko pa kung baka may muta pang natira sa aking mata at kung may natuyong panis na laway. Nag gurgle din ako. Tapos binasa ko ang kamay ko atsaka pinasadahan ng hawi ang buhok. Nagdamp din ako ng konti sa kilay para mag mukhang fresh.

Ano ba naman itong babaeng nasa salamin na ito napakaganda. At ang sexy sexy pa. Itinaas taas ko pa ang brasiere ko para mas makadagdag ng ganda sa aking balingkinitang katawan. Sinong nagsabing mas malaki dibdib ni Mich. Ba't ko ba inaalala yung ingratang yun? Err..nevermind...

Agad akong bumaba ng hagdan at saka pumuntang kusina. Lumikha pa ng tunog ang paglapat ng paa ng slippers ko sa napakakintab na sahig. Kaya mabagal lang ako sa paglalakad baka mayamaya lang madulas ako. Una pa mukha, that would be the end of me.

Nagtimpla ako ng kapeng barako atsaka kumuha ng pinggan para mailagay ang niluto niya. Napapakiramdaman ko na ang presensiya niya. Kung kaya't inayos ko ang upo ko. Nasa harap ko na siya. 

I did some side glances pa naman nung kumuha siya ng tubig at habang umiinom ay tumatagaktak ang pawis niya sa braso at leeg. Bumabakat ang maganda niyang katawan sa kanyang suot na pang ibabaw. Tapos idagdag mo pa yung kanyang buhok na natural na bagsak dahil sa pawis. 

Ng maramdaman ang kanyang titig ay dahan dahan kong isinubo yung hotdog na niluto niya.

'Oh my why so hot naman.'  Kada galaw ng lalamunan niya ay siyang sinusundan ko ng tingin. Bakit parang ang init. Ganun na ba ako ka tigang. Ba't naman kasi nag suot pa ng fitted. Umagang umaga ang sarap ng almusal. Sayang kung hindi siya umalis kaganina edi sana breakfast in bed. Napapailing tuloy ako sa mga kaberdehang naiisip.

"Masarap?" tanong niya na ikinatalon ko. 

I feel like he's not pertaining sa ulam na niluto niya. 

"Konte.."  mahinhin at may pagkabebe kong sambit. Anubeh nemen eto.

"Bakit? dahil ba walang ketchup?" dagdag niya. Kaya namula naman ako.

At takang taka siya sa naging reaksiyon ko. Huwag namang ganito Axel. Pigilan mo ako hindi yung tinutukso mo pa ako. Feeling ko umaasim na ang mukha ko dahil sa mga tanong niya.

Billionaire's Rebound Wife ( Arrange Marriage Series # 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon