{Pigil}
I hate his guts... I hate him. How can he just move freely whenever he wants. Na parang wala siyang nasaktan?
Napahilamos ako sa sobrang inis. Nahihibang na yata ako. O kundiman ako, siya ang nahihibang saming dalawa.
Mas lalo tuloy nag init ang ulo ko matapos ang maanghang na tanong ng press. Ngayong nakabalik na ako, Axel wants to make it official.
Kahit pa tatlong buwan lang ang pananatili ko. He wants clarifications with the media ng hindi ako mabigla kung sakaling malaman ng lahat na nakabalik na ako.
And I agree, hindi lang dahil sa sinabi niya kundi sa sariling kapakanan. Hindi ko na kailangang magtago sa kahit na sino.
Wala naman kasing kasiguraduhan na walang makakakilala sakin. Kahit pa pinatikom niya ang bibig ng lahat ng empleyado. Lalo na at sa panahong iba na ang teknolohiya.
Alam kong nag dududa pa rin ang lahat. At hindi nakaligtas ang panggagalugad nila sa nakaraan. Assumptions pulos assumptions ang narinig ko. Ang sakit sa tenga kasi paulit ulit nila akong idinidiin.
Alam ko namang wala silang alam. Pero hindi ko maiwasang hindi masaktan sa paratang nilang naubusan na daw ako ng pera kaya daw ako bumabalik para kunin ang kumpanya. They try to make it funny, but i don't find a humour about it. So i fake a laugh whenever they push my limit.
Well a part of it was true. Na wala na nga akong pera. But the fact na iniisip ng iba na walang ibang hangad kundi magpakasasa sa pera. Kayang iwan ang lahat just for the sake of freedom and youth. Because of my image years ago.
Hindi ko matanggap.
Hilaw na ngiti ang ipinakita ko matapos ang patagong panghuhusga nila.
Sabagay, maski ang sarili kong pamilya yun ang tingin sa akin. At wala akong magawa dahil ako rin naman ang dahilan kung bakit ganun ang iniisip nila sakin.
Mas lalo lang nag pantig ang tenga ko ng magsapaw pa sila.
I hate hearing my name in terms of the Cuevas partnership. Hindi ko nga alam na nahalukay nila yun. Na kesyo may kinalaman daw ba yun.
And we deny it as well.
Malaki rin kasi ang ambag ng Cuevas sa business industry.
Kaya malabong hindi nila mapansin ang biglang paglubog ng kumpanya, lalo na't kami ang huling ka sosyo nila. Sa pagkaka alam ko yung last na deal sa kanila, ngayon ay mas naging successful bukod pa yung branch sa Tayabas kasama ang iba pang ka business partner.
Pero dahil mapera ang hudas. Siya ang gumawa ng paraan para walang makalap na ebidensiya ang kahit na sino. Na maaring magdamay sa akin.
All I know is that Gino's name is tainted. His brother is jailed... but no one knows that Gino has a brother, kaya kahit nakulong 'to. Walang makaka alam ng dahilan kung bakit bumagsak ang mga Cuevas.
I tried to mask the annoyance in my face. Thinking those aspects won't do good. Ayokong magmukmok sa nakaraang matagal ko ng ibinaon sa limot.
Nabalik lang ako sa huwisyo ng tumawag sina Lola. Bukod sa sabado naman na bukas. Pwede siguro akong bumisita.
Maaga akong umalis ng hindi niya ako birahin ng katanungan. Siyempre ipinagluto ko na siya ng almusal para naman hindi puro process food ang kinakain niya. Marunong naman na pati ako magluto.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Rebound Wife ( Arrange Marriage Series # 1) COMPLETED
RomanceCisca Sumatutina Estefania is forcibly married at a young age to a young billionaire namely Axel Tirso Dela Mercedes. Who she marries for convenience. Hindi maganda ang relasyon nila sa kanilang pagsasama. Subalit pagtagal ay nagkaroon sila ng kasun...