Natapos kaming kumain at bumalik na ako sa office. Siya naman, ay magsho-shopping daw.
Ipinasa ko ang file sa head attorney at nagulat naman siya sa nakita.
"Peralez, hija, how did you do this one? You did great!" Sabi ng attorney at mukhang proud.
Kung alam niyo lang, attorney.
"Dahil diyan, bibigyan kitang bonus ngayong linggo." Sabi pa ni Atty.
Nagpasalamat naman ako at bumalik na sa table. Mayroon pa akong isang kaso ro'n.
Binasa ko at contract ito sa RG Corp. Gusto ng kumpanya na iextend ang contract sa kanila.
Agad naman akong pumuntang RG Corp at pumasok sa lobby. Tatawagan ko na sana si Attorney para magtanong ngunit habang kinukuha ko ang phone ko ay may nabangga ako.
"Ay sor— Tanya?" Sabi nung nabangga ko.
Napatingin naman ako at nakitang si Liam 'yun, ang pinsan ni Greyson.
"Oh Liam, nandito ka rin?" Tanong ko at napatingin ako sa suot niyang formal na parang siya ang president.
Natawa naman siya kaya napatingin ako sa kaniya habang nagtataka.
"Hala, I'm sorry but I am Liam Rodriguez-Gomez, surprise!" Sabi niya habang nakangiti.
Nanlaki ang mata ko sa narinig.
"Weh, ikaw ang may-ari nito?" Tanong ko habang gulat na gulat sa narinig.
"Hindi, 'yung magulang ko ang may-ari. Tumutulong lang ako." Sabi niya.
"Wow, pa-humble! Magiging sa'yo rin naman 'to." Nakangiting sabi ko.
"By the way, what are you doing here?" Nakangiting tanong niya.
"Work. Extension of contract sa company niyo from Medina Group of Companies." Sagot ko.
"Ah okay, I was expecting that. Come on, let's go to my office." Nakangiting sambit niya.
Sumunod naman ako sa kaniya. Binabati siya ng mga tao at yumuyuko. Binabati rin niya pabalik. Pumasok kami sa elevator at may nakitang dalawang babae 'yun.
Narinig ko pa ang bulungan ng mga tao.
"Sis, siya ata ang rumored girlfriend ni sir." Narinig kong sabi ng isa.
"Mukha nga sis, pero bakit ganyan, hindi naman sobrang kagandahan." Narinig ko pang sabi ng isa.

BINABASA MO ANG
Surrendering Dreams (Amor Series#1)
RomanceSURRENDERING TRILOGY BOOK 1 OF 3. (EDITING) Greyson, a timid and reserved law student, has a dream and it is to become a great lawyer to protect and defend the oppressed. Then, he met Tanya, a genius Law student and a scholar of the same school who...