Kabanata 4

260 11 2
                                    

I still have a smile on my face while slowly passing by the lobby. I greeted the guards and staff. I'm too tired today. All I want to do is to sleep. Palakad na ako sa elevator para sumakay paakyat nang biglang may nag takip sa mata at bibig ko.


Dahil medyo pamilyar ang amoy ay bigla kong siniko nang malakas sa may tiyan. Sinadya ko talagang lakasan ang pag siko dahil kilala ko naman kung sinong pontio pilato ang gumawa nun.


"Aray, mapanakit ka! Kahapon ka pa ah!" Sabi nung nagsalita.


Tumalikod ako para makita siya tsaka sinapak. Napahawak naman siya sa pisngi niya. Nakita ko ang pasa sa kabilang bahagi ng kanyang mukha kaya naman ay bigla akong naawa. Ako naman ang may kasalanan kung bakit siya nasuntok kagabi.


"Tangina, ang baho ng kamay mo. Pwe, lasang bayag." Sabi ko sabay punas sa bibig ko dahil nalasahan ko ang kamay niya. Maalat alat pa nga, ngunit amoy pabango naman. Kadiri naman, malay ko ba kung saan niya hinawak pa 'yun, hindi man lang nag alcohol o ano.


"Alam mo 'yung lasa?" Sabi niya habang hinahawakan ang tiyan na siniko ko at yung mukha niyang nasapak ko bago tumatawa.


"Kung hindi, ipapatikim mo ba?" Nang hahamon na tanong ko at ngumiwi lang siya na para bang nandidiri. Napangisi na lamang ako.


Inirapan ko lang si Basti at minura ulit. Deserve naman.


Magsasalita na sana ako nang naramdaman ko na may sumabunot sa likod ko at nakitang nando'n si Val.


"Gaga ka, masakit! Maka sabunot ka, sabunutan ko buhok mo sa baba eh." Sabi ko pa sabay hawak sa buhok ko na hinila niya.


"Sorry, I just had wax." She said before rolling her eyes and pushing away Basti who's cringing because of the information that she said.


"Balahura ng bibig mo, Tanniña." Sabat naman ni Basti na nakangiwi pa rin. Ngayon lang ba siya nakarinig ng buhok sa baba? Bobo rin neto.


"Ay wow, sumasapaw, kausap ka?" Pangaasar na sabi ko sabay kurot sa tiyan niya. Nakita kong umaray siya at lalong kumunot ang noo dahil sa sakit na dulot ng pag kurot ko.


It's not actually tummy, he has abs. His body is kind of bulky because of muscles. He works out a lot, of course, he has an image to take care of. Besides he chose to be in that industry.


"Ikaw, ha! We saw something kanina sa labas. Are you already dating someone, as in seriously committed?" Sunod sunod na tanong ng conyong 'to na nagngangalang Val. Agad ko siyang inirapan.


Hinatid lang, jowa na agad? Pwede namang asawa na. Chos. Pwede namang kaibigan lang, o kaya naman ay fubu o kaya naman ay fling. Pinilit kong hindi mapangiti nang maalala si Greyson. Gagawin na naman nilang issue.


Delikado na, napapangiti na ko, eh.


"Ang daming tanong! Ang dumi ng utak mo. Bakit, mag boyfriend ba kayo ni Basti at magkasama kayo ngayon? " Pang asar na tanong ko. Uno reverse card, bitch.

Surrendering Dreams (Amor Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon