Kabanata 40

210 4 0
                                    



Our Palawan trip has ended and we went back to our usual lives. Nagiinarte si Greyson ngayon dahil pupunta ako kina Oliver dahil celebration ng graduation niya.


Invited ang pamilya nila Serene ngunit nasa ibang bansa kaya ako 'yung ipapadala nila doon.


Nakausap na naman ni Oliver ang magulang niya tungkol sa amin at pupunta lang ako ron bilang kaibigan.


Nasa mall kami ngayon para bumili ng regalo para kay Oli ngunit para siyang bata at hindi umaayos.


"Anong pwedeng ibigay, sa tingin mo?" Tanong ko sa kanya.


"I don't know." Sagot niya at mukhang walang pakialam.


"Ikaw, what gift do you want galing sa akin kapag graduation?" Tanong ko at ngumiti sa kanya. Nakita kong umirap siya kaya natawa ako.


"Just a kiss." Pilosopong sambit niya.


"Should I give Oliver a kiss then?" Tanong ko dahil sa pamimilosopo niya sa akin.


"Of course not. Give him a tie, watch or something." Biglang sagot niya na ikinatawa ko.


Bumili lang ako ng necktie at pumili ng babagay sa palaging sinusuot niya at saka umalis.


Dinner kasi 'yun at hapon na. Nag ayos lang ako sandali sa condo bago ako umalis para pumunta kina Oliver. Hinatid ako ni Greyson at pumayag na ako dahil hindi siya tatahimik hangga't hindi ako hinahatid.


The party started and I was greeted by several schoolmates I know. His immediate family also greeted me and I greeted them back.


"Oliver!" Tawag ko sa kanya at nakita kong hinahanap niya ang pinanggalingan ng boses kaya napalingon sa akin at ngumiti.


"Congrats! Yung BAR nalang ang hihintayin. Top-notcher dapat ha." Biro ko at niyakap siya bago ibigay ang regalo ko.


Natawa lang siya sa akin at ginulo ang buhok ko.


"I feel pressured." Birong sambit niya na ikinatawa ko. Siya pa ba? Kaya nga naging boyfriend ko 'to dahil sobrang talino niya and I really got inspired by him.


"Yakang yaka, ikaw pa ba?" Sambit ko pa na ikinatawa niya lalo.


"Kapag oras mo na, tignan natin kung makatawa ka pa." Sambit niya at pabiro ko siyang sinuntok sa tiyan este abs.


"Gago, yung banta mo ha! Hoy baka mabati, 'wag ganon!" Sambit ko na ikinangisi lang niya.


Pagkatapos ng usapan namin ay pinaupo na niya ako sa katabi niyang upuan at nagpaserve na ng pagkain.

Surrendering Dreams (Amor Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon