I was pouting the whole time while looking in front. I was pouting to cover the smile on my face. I was so proud of him. He's literally the perfect one for 'Silent, but deadly'.
"Whoever the winner is, will be against Peralez for a sample case debate, in which you will be either the Prosecutor or the defendant of Person X." Mahinahong wika ni attorney habang tinitignan ang dalawang nasa harapan.
"I like your arguments, but I was moved by the point of someone." pabitin pa ng prof habang tipid na nakangiti.
"Peralez, Gomez, be ready next week." Striktong wika niya bago tuluyang tumayo at nagpaalam. Napatingin ako sa oras at nakitang tapos na pala ang subject niya.
"Wear your formal clothes next week and we'll just continue this. We don't have much time today." Sabi ng prof habang nakatingin sa relo niya.
"The two of you, be ready. Class dismissed!" Sabi ng prof sa'min at nauna na siyang umalis.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi natuloy ang sa amin ni Greyson. Pumunta na ako sa aking pwesto para ayusin na ang aking gamit. Mayroon pa kaming klase ngayon kaya dapat ay magmadali.
Ang next na klase namin ay Persons and Family Relations. Sabay kaming tumayo ni Greyson at pumunta na sa isa pang room para sa susunod na klase. Mas gusto ko ang criminal law dahil masyadong sexist ang batas sa Persons and Family Relations. Minsan gusto ko na lang mainis dahil halata naman sa mga mambabatas na gusto nila pumapabor kadalasan sa kalalakihan.
Napailing na lang ako sa aking isipan. Balang araw ay sana magbago na rin ito.
Tumabi ulit ako kay Greyson dahil free seating naman siya at walang seat assignment. Wala rin naman akong kaibigan dito. Siguro nga ay sobrang ilap ng mga tao sa akin dito. Kung sabagay, mas mabuti ngang si Greyson lang ang makakasama ko. Mas masaya naman.
Maya maya pa ay pumasok na ang prof namin at nagsimula na. The way of teaching is Socratic Method. I don't understand why this exists though. Sobrang nakakakaba! Nagsimula siyang mag discuss o mag tanong tungkol sa kasal at sa batas.
Actually, it's more of a recitation than a discussion. Natawag na naman ako nung nakaraan kaya confident akong hindi na matatawag ngayon. Hindi naman laging ako 'yung dapat tawagin.
Napatunganga lang ako at nakinig. Medyo nabore ako kaya tumingin ako kay Greyson na nagsusulat sa notebook niya ng mga sinasabi ng prof na information. Napatingin ako sa iba at nakitang ganoon din ang ginagawa ngunit wala namang notes ang nasusulat. Para lang maiwasan ang recit, kaya sila nagkakaganyan.
"The authorized venue for marriage and the general rule is that it must be solemnized publicly, and not elsewhere, in the: Chambers of the judge or in open court, the church, chapel or temple, the Office of consul-general, consul or vice-consul." Naririnig kong kinakabahang sagot ng isa.
"But there will always be exceptions, First is the Marriage at the point of death (articulo mortis). Another is the Marriage in remote places and lastly the Marriage at a house or place designated by the parties in a sworn statement upon their written request to the solemnizing officer." Dagdag pa niya.
BINABASA MO ANG
Surrendering Dreams (Amor Series#1)
RomanceSURRENDERING TRILOGY BOOK 1 OF 3. (EDITING) Greyson, a timid and reserved law student, has a dream and it is to become a great lawyer to protect and defend the oppressed. Then, he met Tanya, a genius Law student and a scholar of the same school who...