[R-18] You can skip this if you're below 18.
Nagising ako at tanghali na. Siguro ay dahil sa pagod at sa mga ininom namin kagabi.
Binuksan ko naman ang phone ko at puro comment sa tagged post ni Kairos na congratulations. Nagmessage rin ang mga kaibigan ko sa group chat at pati sa private message.
Hinanap ko ang kay Grey at nakitang may mensahe rin siya.
Greyson: congrats
Yun na yun? Congrats lang? Wala man lang kiss or salubong? Napasimangot tuloy ako at minessage siya.
Me: congrats lang? Walang kiss?
Nakita ko naman na naseen niya agad at nagtype.
Greyson: Wala.
Napanganga naman ako at napasimangot. Attitude siya ah. Humanda ka sa akin mamaya.
Patagal nang patagal ay napapansin ko nagiging confident na siya at I'm happy for him. Nagiging kumportable siya sa akin dahil binabara na niya ako palagi at pinagtitripan.
Me: Kapag ako nainis, hindi lang kiss ang idedemand ko. Humanda ka mamaya.
Napangisi naman ako sa sariling message. Nakita kong nagtype siya at inaasahan ang banat niya.
Greyson: Ok.
Naiinis na ako ah. Humanda talaga siya mamaya.
Hapon na nang maisipan kong maligo dahil pagod pa talaga ako ngunit nangako ako kay Greyson na sa kanya ako mamayang gabi.
Nagdala ako ng pang tulog na dress na medyo conservative dahil satin dress style na may lace.
Nagdala rin ako ng formal wear dahil required sa isang subject namin bukas. Binalak kong doon matulog ngayon. Bakit? Syempre to claim my prize. Char.
Nagsuot lang ako ng white summer dress para madaling matanggal este malamig sa feeling.
Nang mag 6PM na ay may nagdoorbell, malamang ay si Greyson na 'yun.
Binuksan ko at hindi nga ako nagkamali dahil siya nga 'yun at mukhang galing pa siya sa opisina dahil naka suit and tie pa siya. Nakita kong nakasimangot siya, attitude pa rin. Ano kayang problema nito?
Sinalubong ko naman siya ng yakap at yumakap din naman siya pabalik. Inabutan niya pa ako ng isang bouquet ng flowers na ikinagulat ko dahil hindi ko naman napansin 'yun kanina.
"I miss you and thank you." Sambit ko at mabilis siyang hinalikan.
BINABASA MO ANG
Surrendering Dreams (Amor Series#1)
RomanceSURRENDERING TRILOGY BOOK 1 OF 3. (EDITING) Greyson, a timid and reserved law student, has a dream and it is to become a great lawyer to protect and defend the oppressed. Then, he met Tanya, a genius Law student and a scholar of the same school who...