Kabanata 13

203 6 1
                                    


Nagising ako ng maaga para makapag-ayos. Medyo masakit pa ang ulo ko dahil sa hangover ngunit tiniis ko na lang at baka dumating na si Greyson.


Naligo ako at nagsuot lang ng black na tube at red skirt, pinatungan ko lang ng cardigan at baka lamigin ako.


Nag apply ako ng powder and lip tint. Nagpahid ng lotion at nagspray ng pabango.


Maya maya ay nagvibrate na ang phone ko. Nakitang may mensaheng galing kay Greyson at sinasabing nasa baba na siya.


Agad akong nagmadali at hindi na nagpaalam kay Serene dahil alam kong tulog na rin siya.


Si Catalina naman ay nakita kong tulog pa rin sa kama ko at si Basti ay nasa sahig. Natuloy ang pagtulog nila dito at mukhang napasarap pa ang tulog.


Nang makababa ako ay lumabas agad ako sa lobby at nakita ang sasakyan ni Greyson. Nakita kong nasa labas siya at mukhang hinihintay ako.


"Good morning!" Sigaw ko nang makalapit ako.


Nakita kong tipid siyang ngumiti at pinagbuksan ako ng pinto.


"Morning." Mahinang bati niya.


Sumakay na ako sa kaniyang sasakyan at siya naman ay nagda-drive. Malayo ang tingin niya dahil medyo traffic.


Magsasalita na sana ako para kausapin siya ngunit biglang tumunog ang phone niya at sinagot naman niya.


"Yes?" Tanong niya sa kausap niya.


"No, I am busy right now." Sabi pa niya at ako ay nakatitig lang.


"No, proceed with the meeting. Why didn't you inform me sooner, Lisa?" Mariin ngunit malambing na sabi niya


"Go to the Yves Constructions and tell them, I'll talk to the one in charge this weekend. Also, eat on time, don't starve yourself, okay? Bye, see you." Narinig ko sabi niya sa kausap niya at tumawa.


Napasimangot naman ako. Hindi niya sinabi na may girlfriend siya tapos hinahayaan niya akong landiin siya. Pa-fall ampucha.


Umirap ako sa kawalan at tinignan siya ng masama.


Napansin ata niyang nakatingin ako kaya humarap siya sa 'kin at nagtatakang tumingin dahil nakita niya ang galit kong mukha.


"Did I do something wrong?" Nagtatakang sambit ni Greyson.


"Wala!" Pabalang na sagot ko at umirap.


"Seriously, why?" Tanong niya pa kaya lalo ko siyang tinignan nang masama at mukhang natakot naman siya dahil nakita ko siyang napalunok.

Surrendering Dreams (Amor Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon