Kabanata 15

176 4 0
                                    

Kinabukasan naman ay naglipat ako ng gamit at nagpatulong pa ako kay Kairos. Pumunta siya sa condo sa QC at siya ang pinagbuhat ko.


Ako ang nagdrive ngunit dumaan muna kami sa Jollibee dahil nagpalibre siya, bayad daw sa pagbuhat niya ng gamit ko.


Pasakay na kami ng elevator at medyo nahuli si Kairos dahil marami siyang dala nang biglang may nakasalubong akong kakilala.


"Liam!" Tawag ko.


"Oh, Tanya? Dito ka nakatira?" Tanong niya.


"Oo, naglilipat pa lang. Ikaw?" Nakangiting tanong ko.


"Oo, tuwing weekends. Teka, alam ba 'to ni Greyson?" Tanong niya pa.


Nagtataka naman akong napatingin sa kaniya. Dapat bang malaman ni Greyson at ano namang problema.


Sasagot naman ako nang biglang umepal si Kairos.


"Baby, saan ba 'to ilalagay? Pagod na ako, ang bigat." Pagiinarte ni Kairos at napatingin ako sa kaniya, nakita kong pawis na pawis na siya.


Naawa naman ako kaya kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang leeg niya pati ang noo.


"Wait ka lang diyan. Malapit na, kaunting tiis na lang." Sabi ko at kinurot ang pisngi niya at umaray naman siya.


"Uh, Tanya, may kasama ka pala. Sige, mauna na ko." Sabi ni Liam. Nagulat naman ako dahil medyo nawala siya sa isip ko.


Nagpaalam na rin ako at sumakay na sa elevator.


Kumain kami ni Kai nang biglang nag open siya ng topic.


"Tanniña, alam mo naman, matatapos na ang sem kailangan ko ng pera. Baka may alam kang part time job?" Tanong niya.


"Macho dancer ko tuwing gabi, g ka?" Tanong ko.


"Payag na agad. Ano, sayaw lang ba o higit pa?" Nang aasar na tanong niya.


"Tangina mo, hindi tayo talo, bro. Kilabutan ka nga." Sagot ko naman at tinusok siya ng tinidor sa braso


"Parang tanga ka, ikaw magyayaya tapos ikaw aayaw." Sarkastikong sabi niya habang hinihimas ang braso niya.


Natawa naman ako at patuloy na kumain.


"May alam ako, tatanungin ko muna siya tapos bigay ko na lang 'yung number sa'yo. Mayaman 'yun. Ayos ba?" Tanong ko naman.


Um-okay naman siya at kinuha sa phone ko ang number.


"Gusto kong uminom. Bili ka sa baba" Sabi ko habang nililigpit ang pinagkainan namin.

Surrendering Dreams (Amor Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon