Kabanata 8

213 7 2
                                    

I arrived inside and it took me some time because of the line outside. Pumasok na ko sa loob at nalamang nasa private lounge sila dahil mas gusto raw nila na tahimik ang paligid. Chillnuman lang daw, scam na naman 'yan.


When I entered the place, all I could see were blazing lights and the colorful bright lights that made my eyes hurt. My eyes suddenly adjust to the stoking lights inside. My ears filled with loud and upbeat music from their well-known DJ.


I saw how people flock on the dancefloor. It's still quiet compared to the party at around 1AM to around 3AM. Few people were making out at the hallways or dancefloor, but I couldn't care, because I wasn't in the mood.


Naglakad na lang ako at nilampasan ang mga taong nakaharang at pumunta na sa private lounge na inuukupa ng aking mga kaibigan.


Nakita kong nandoon silang lahat at mukhang nagkakasiyahan na. Malakas ang pakiramdam kong nakainom na rin 'tong mga 'to.


Naglakad ako palapit sa kanila at tila walang nakapansin dahil masyado silang abala sa pag uusap.


Napatingin sa'kin si Catalina at tumayo para yakapin ako bilang pagsalubong sa akin. Napatingin naman ang lahat sa akin at ganoon din ang ginawa. Nakita kong mukhang tinamaan na si Serene at nakaupo na lang sa sofa habang nakatitig sa kawalan at mukhang anumang oras ay tatawa na lang mag isa.


"Ang tagal mo! Your name's all ruined because we've been backstabbing you since earlier." Cat said and she rolled her eyes.


"Sinong naninira sakin? Kakasuhan kong Slander-Oral Defamation by deed. According to the Article 359 of the Revised Penal Code, the penalty of arresto mayor in its maximum period to prision correccional in its minimum period or a fine ranging from 200 to 1,000 pesos shall be imposed upon any person who shall perform any act not included and punished in this title, which shall cast dishonor, discredit or contempt upon another person." Tuloy-tuloy na wika ko na tila nag re-recite lang sa school. Ako 'yung kaibigan niyong bida-bida.


Nakita kong napahinto sila sa mga ginagawa at napatanga sa sinabi ko. Nakatitig lang sila sa'kin habang naka ngiwi na mukhang hinuhusgahan na ang buong pagkatao ko.


Tumawa naman ako ng malakas dahil sa mga reaksyon nila. Ngayon lang ba sila nakakita ng bida-bidang law student? Ngumisi lang ako sa kanila at tinaasan sila ng kilay.


Nakita kong naglabas ng wallet si Cat.


"Oh, isang libo bayad ko sa penalty. Tangina mo, 'wag mo akong kinakausap, nabobobo ako lalo. Pabibo ampucha!" Sabi ni Catalina habang nakatingin sa akin ng masama.


Kinuha ko naman ang isang libo at tinawanan siya. Napakayaman talaga nito at parang barya lang niya ang isang libo. Mayaman 'yan pero handang makipag bardagulan. Inaasar ko nga minsan dahil hindi talaga siya umaastang mayaman, maliban na lang sa bahay nila na laging pormal dapat.


Nagtatawanan naman ang lahat dahil sa naging reaksyon ni Cat.


"Bakit ang tagal mo?" Tanong naman ni Val habang nakahalukipkip at nakatingin sa akin.


"Aba, 'te sorry, ah! May klase kasi ako at nag aral pa ko kasi may quiz ako bukas, diba?" Pamimilosopo ko at inirapan ko siya.

Surrendering Dreams (Amor Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon