Kabanata 23

196 4 0
                                    

Nakarating kami ng Ateneo na parehong pagod. Masyado kaming napagod sa pageexercise. Dapat ata na sanayin ko ang sarili ko dahil masyado akong napagod, so not Tanya.


Pumunta kaming room at bawat na makakasalubong ko ay binabati ako sa pagkapanalo ko. Nagpasalamat lang ako at ngumiti.


Pati ang mga higher batch ay binati ako at medyo nagulat ako dahil hindi ko kakilala ang iba.


Nang makarating kami ng classroom ay nakita kong nandoon si Oliver, yung ex ko na fourth year na nagrefer sa akin sa Dean.


Nagulat ako dahil niyakap niya ako bigla at binigyan ng bulaklak. Nasa likod ko lang si Greyson kaya hindi ko alam ang dapat gawin o sabihin.


"Congratulations Tanya! Sabi ko na nga ba at kayang kaya mo 'yun!" Sabi niya at patuloy pa rin na nakayakap.


Naramdaman ko na pumasok si Grey sa room at hindi na ako hinintay. Malamang ay nagseselos 'yun.


"Thank you! Pero bwiset ka rin, ako ang itinuro mo eh alam mo namang first year pa lang ako." Sabi ko at humiwalay na sa yakap at hinampas siyang pabiro.


"Alam ko naman kaya mo silang talunin lahat." Nakangiting sagot.


"Nang bola ka pa. Sige na, mauna na ako ha." Sabi ko at nagpaalam na sa kanya at pumasok na sa loob.


Marami ang bumati sa akin kasama na si Paul at nginitian ko lang siya. Ang awkward kasi dahil hindi naman kami close tapos bigla siyang aamin.


Sanay naman ako na may umaamin kaso kapag ganoon at type ko, sa iba ang diretso, mukha namang hindi ganoong klase si Paul at saka, I'm with Greyson already.


Naglakad ako sa likod dahil doon kami nakaupo talaga.


Nakita kong nakabusangot si Greyson at nagbabasa ng libro. Itinulak niya pa ang salamin palapit sa mata. Tumabi naman ako sa kanya at binangga siya ng bahagya


"Galit ka?" Tanong ko at hindi naman siya sumagot. "Nagmomol na tayo, nahawakan ang hindi dapat hawakan, nakita ang dapat hindi makita, tapos nagseselos ka pa?" Sabi ko at mas lumapit sa kanya.


Nakita kong namula siya habang pilit pa ring nagbabasa ngunit halata naman na naririnig niya ako. Nasa bandang likuran kami kaya hindi kami napapansin.


Ay sus! Dahil maaga kaming pumasok ngayon at mayroon pa kaming almost 30 minutes at nagsabi ang prof na wala siya sa first hour ay hinila ko siya palabas.


"Where are we going? We have a class." Nagpapanic na sabi niya at inayos ang salamin niya.


Itinakbo namin palabas at pumunta sa parking. Inutusan ko siyang mag drive at mag park sa tagong street sa malapit. Sumunod naman siya ngunit mukhang nagtataka.


Nang makaparada na siya ay nagtatakang tumingin siya sa akin at nakataas pa ang kilay.


Surrendering Dreams (Amor Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon